top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mocha at boss niya, dapat makasuhan sa ginawang mass gathering ng mga OFW, period!

  • Pabs Hernandez III
  • May 2, 2020
  • 1 min read

HINDI LANG SI MOCHA ANG DAPAT KASUHAN KUNDI PATI ANG BOSS NIYA—

Ipinagtanggol ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac si OWWA Deputy chief Mocha Uson na siya raw ang nag-utos kaya nagkaroon ng mass gathering ang mga OFW na kinu-quarantine sa resort sa Batangas.

Kung ganu’n, hindi lang pala si Mocha ang dapat kasuhan kundi pati ang boss niyang si Cacdac dahil malinaw na nakapaloob sa “Bayanihan To Heal as One Act” na mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering, period!

◘◘◘

MAGBABAYAD NG TAX ANG POGO? KALOKOHAN!—Ayon kay Chairman Andrea Domingo, inaprub diumano ng Malakanyang na muling makapag-operate ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ng mga Chinese sa bansa para makalikom ng dagdag-tax pantulong sa mamamayan sa panahon ng COVID-19 crisis.

Makalikom ng buwis, eh, ayaw ngang magbayad ng tax at patunay d’yan ang ibinulgar ni BIR Deputy Commissioner for Operation Atty. Sixto Dy, Jr. noong Feb. 11, 2020 na higit P50 billion tax ang hindi pa nababayaran ng POGO sa Pilipinas, buwisit!

◘◘◘

BAD NA ITINAON ANG PAG-OPERATE NG POGO SA LABOR DAY—Malaking insulto sa mga manggagawang Pinoy ang pag-aprub na muling makapag-operate ang mga POGO sa bansa.

Mabuti pa ang mga Chinese workers, may magandang balita na napala ngayong Araw ng mga Manggagawa, pero ang mga Pinoy, “nganga” pa rin ang dahil walang kayod gawa ng enhance community quarantine, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page