FIDE online Nation’s Cup isusulong
- Eddie M. Paez, Jr.
- May 2, 2020
- 1 min read

Idaraos na ng FIDE ang pinakamalaking aktibidad nito sa panahon ng coronavirus sa pamamagitan ng FIDE Chess.com Online Nations’ Cup ngayong Mayo 5 hanggang Mayo 10, 2020.
Itatampok ang koponan ng mga world powers sa ahedres tulad ng China, Europe, Russia, U.S.A. at India sa paligsahang inaasahang magiging “new normal” sa larangang ito. Ang pang-anim na koponan ay ang “Rest of the World”. Kada koponan ay binubuo rin ng lady chessers at dalawa sa mga koponan ay magkakaroon ng team captain na dating world champions.
Naka-broadcast sa mga channels ng FIDE at ng Chess.com sa You Tube, Twitter at Mixee ang double round robin na kompetisyong gaganapin sa rapid chess format (25 minuto + 10). Ayon din sa FIDE, ito ay una sa mga serye ng katulad na events na ilulunsad nila.
Ang dating hari ng Philippine Chess at kasalukuyang World Random Fischer champion na si GM Wesley So ay bahagi ng US Chess Federation.





Comments