Pinakamataas na titulo sa mga Kardinal ng Simbahang Katolika... Tagle, itinalaga ni Pope Francis bil
- BRT
- May 1, 2020
- 1 min read

Itinalaga ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang Cardinal-Bishop.
Ito na ang pinakamataas na posisyon sa mga Cardinals sa Simbahang Katolika.
Matatandaang nitong Pebrero nang unang itinalaga ng Santo Papa si Tagle sa Vatican sa Congregation for the Evangelization of Peoples.
Kahalintulad ito ng posisyon niya bilang isang cabinet secretary to the Roman Pontiff.
Ang bagong posisyon ngayon ni Tagle ay itinuturing na “highest order in the College of Cardinals.”
Samantala, ito na ang pinakamataas na posisyon na naabot ng isang Filipino cardinal sa Vatican.
Una rito, si Tagle ay naging arsobispo sa Manila Archdiocese mula 2011 hanggang 2019.





Comments