top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Karapatan ng illegitimate child bilang benepisaryo sa insurance ng kanyang ama

  • Persida Acosta
  • May 1, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Anak ako ng tatay ko sa pagkabinata at siya ay namatay last month. Nalaman ko na ako ang beneficiary na inilagay niya sa kanyang Life Insurance Policy. Ngunit nang malaman ng kanyang legal na asawa, nagalit ito at binantaan akong ipapawalang-bisa niya ang nakasaad sa insurance policy. May batas ba tayong nagbabawal na gawing beneficiary sa life insurance ang illegitimate child na tulad ko? - Mar

Dear Mar,

Ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Section 53 ng The Insurance Code of the Philippines (Presidential Decree No. 612 as amended by Republic Act No. 10607) kung saan nakasaad na: “Section 53. The insurance proceeds shall be applied exclusively to the proper interest of the person in whose name or for whose benefit it is made unless otherwise specified in the policy.” Malinaw na nabanggit sa batas na ang maaari lamang mag-claim ng insurance proceeds ay ang insured o ang taong kumuha ng life insurance kung siya ay buhay pa o ang taong ginawa niyang beneficiary kung siya ay patay na.

Ipinahayag din ng Korte Suprema, sa kasong Maramag vs. Maramag (G.R. No. 181132, June 5, 2009, Ponente: Honorable former Associate Justice Antonio Eduardo B. Nachura), ang mga sumusunod na pagpapaliwanag:

“Petitioners are third parties to the insurance contracts with Insular and Grepalife and, thus, are not entitled to the proceeds thereof. Accordingly, respondents Insular and Grepalife have no legal obligation to turn over the insurance proceeds to the petitioners. The revocation of Eva as a beneficiary in one policy and her disqualification as such in another are of no moment considering that the designation of the illegitimate children as beneficiaries in Loreto’s insurance policies remains valid. Because no legal proscription exists in naming as beneficiaries the children of illicit relationships by the insured xxx.” (Binigyang-diin)

Sa inyong sitwasyon, maaari mong i-claim ang life insurance proceeds ng iyong namayapang ama dahil ayon sa ating batas, walang nagbabawal sa isang ama na gawing beneficiary ang kanyang mga illegitimate na anak sa kanyang insurance policy.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon dito ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page