Dahil ‘di magpapaawat sa tsismisan... Mga tsismosa, mas madaling magkakasakit dahil laging dikit-dik
- Sr. Socrates Magnus II
- May 1, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na mga pagbabago pagkatapos ng COVID-19.
Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa “new normal”, narito ang ating aasahang mga magbabago sa takbo ng buhay ng mga tao.
Ang tradisyon ng pagmamano ay mawawala na hindi dahil ang mga Pinoy ay hindi na maging magalang sa matatanda kundi dahil ang pagmamano ay puwedeng maging sanhi ng pagkakaroon ng sakit, hindi lang ng COVID-19 kundi ng iba pang karamdaman.
Gayundin, ang cheek-to-cheek na batian o pagbeso-beso sa kakilala ay mawawala dahil ito rin ay mapabibilang sa unhygienic na kilos. Dahil dito, ang sweetness ng mga Pinoy ay mababawasan dahil sa takot na magkasakit.
Hindi lang ang pagbeso ng magkakakilala ang makababawas sa sweetness ng mga Pinoy dahil kahit wala nang COVID-19, marami pa rin ang mag-oobserba ng social distancing kung saan kahit ang mag-uusap ay magkalayo na.
Pero ang ganitong bagong kalakaran ay hindi kayang maipatupad ng mga tsimoso at tsimosa dahil magpapatuloy pa rin ang kanilang pagkukuwentuhan habang magkakadikit at nagbubulungan.
Kaya mas madali na ngayon matukoy ang mga mahilig at nagkakalat ng tsismis dahil sila ay mas madalas na lalabag sa social distancing.
Napakahirap ng sitawasyon ngayon dahil ang mga tao ay nabubuhay nang malungkot at parang nag-iisa at nagkakani-kanya. Totoo na ang mga tao ay likas na sociable, pero ngayon, ito ay maglalaho nang unti-unti hanggang sa makasanayan ng marami na ang dapat pahalagahan ay ang kalusugan at hindi ang intimate na pakikipagkaibigan.
Mahirap din matanggap na ang tao ay mapapalayo na sa kanyang simbahan. Hindi man siya mawalan ng paniwala kay God, ang mga tao ay isasabuhay ang noon pa man ay itinuturo ng mga dakilang personalidad na lumitaw sa mundo tulad ni Buddha at Jesus Christ na ang sabi ay pumasok ka sa iyong silid at isara mo, as in, i-lockdown mo ang sarili mo at saka mo kausapin si God.
Dagdag pa ni Lord Jesus Christ, sa ganitong paraan, ang Diyos o Ama na nasa lihim ay kakausapin ka rin sa lihim.
Itutuloy




Comments