top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagsak ang negosyo ng cosmetics dahil tatlong taon magsusuot ng face mask ang mga girls at bading

  • Pabs Hernandez III
  • May 1, 2020
  • 2 min read

STATEMENT NG WHO AT CHINA, KADUDA-DUDA—Matapos magbigay ng babala ang World Health Organizations (WHO) sa mga bansa na magli-lift ng lockdown dahil hindi pa umano tapos ang pananalasa ng Coronavirus Disease, nagpahayag naman ang mga Chinese scientists na malabong maapula ang COVID-19 sa anumang panahon.

Ang statement ng WHO at China ay kaduda-duda, lalo na at may hinala ang Amerika at Europa na nagsabwatan ang dalawang ito (WHO at China) na ilihim sa mundo ang panganib na dala ng COVID-19 kaya hindi ito napaghandaan ng iba’t ibang bansa.

Ang tema ng statement ng WHO at China ay kawalan ng pag-asa at kulang na lang sabihin nilang okay lang mamamatay sa gutom ang mga tao, huwag lang magka-virus, buwisit!

◘◘◘

BAKA SA GALIT NG TAIWAN GOV’T KAY HARRY ROQUE, DDS NA OFW ANG IPA-DEPORT NILA—Hindi nagustuhan ni Presidential spokesman Harry Roque ang sinabi ng Taiwan gov’t na hindi nila ide-deport ang isang Pinay na OFW sa Taiwan na anti-Duterte kaya nasabi nitong China na lang ang bahala sa pagpapa-deport dahil probinsiya lang ng China ang Taiwan.

Ang tiradang ito ni Roque ay ikinagalit ng Taiwan gov’t dahil hindi raw sila probinsiya ng China.

Naku, dapat mag-sorry agad si Roque kasi baka sa buwisit ng Taiwan, ang ipa-deport ay ang mga OFWs na DDS, period!

◘◘◘

BAGSAK ANG NEGOSYONG COSMETICS SA ‘PINAS—Kapag naging ganap na batas ang panukalang “New Normal for the Workplace and Public Spaces” Bill ng Kongreso, malamang ay malagay sa alanganin ang cosmetic business sa bansa.

Ito ay dahil ayon sa panukalang-batas, sa loob ng tatlong taon, mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng facemask lalo na kapag lalabas ng bahay o pupunta sa anumang pampublikong lugar ang mamamayan at dahil hindi na makikita ang byuting lips ng mga girls, pati ng mga bading, siyempre, hindi na sila bibili ng lipstick, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page