top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Biyuda na maraming utang, dapat tumaya sa lotto outlet na katapat ng simbahan para sure na maka-jack

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 30, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Matagal nang namatay ang aking asawa kaya ako na lang ang nagtataguyod sa aming apat na anak kaya hirap na hirap ako sa pera dahil marami akong mga utang. Naisipan kong sumangguni sa inyo para humingi ng mapapalad na numero na maaari kong tayaan sa lotto.

May maliit akong tindahan, pero halos wala nang laman kaya kung bibigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng malaking puhunan, kukuha ako ng puwesto sa palengke o bayan para mas mabilis akong umasenso at umunlad. April 28, 1985 birthday ko.

Umaasa,

Carla ng Mainit Sur, Perez, Quezon Province

Dear Carla,

Ang birth date mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) ang nagsasabing ikaw ay pinaghaharian ng planetang Sun o Araw, na nagkataon ding one (1) ang destiny number mo (4+28+1985=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1). Ibig sabihin, sa panahong maaraw ang kapaligiran tulad ng summer, may malaking suwerte kang matatanggap, higit lalo kapag napakainit ng sikat ng araw sa langit at sobrang alinsangan. Sa panahong ganu’n ang klima sa ating kapaligran, may malaking suwerte kang matatanggap.

Bukod sa nasabing panahon, likas ka ring mapalad tuwing sasapit ang ika-19 ng Mayo hanggang sa ika-28 ng Oktubre at mula ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-28 ng Enero.

Sa mga panahong ito, panayin mo ang pakikipagsapalaran, sapagkat sa nasabing mga panahon, malaki ang posibilidad na makasapol ka ng jackpot, higit lalo kung ang petsa ay 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo, Lunes at Miyerkules.

Mapalad ka naman sa batong emerald na ipalalamuti sa gold na singsing bilang pantaboy ng negatibong pangyayari at panghigop ng suwerte at magandang kapalaran.

Bukod sa sarili mong numero na 1 at 6 (ang five (5) ay numero ng zodiac sign mong Taurus), mapalad ka rin sa lahat ng numerong may sumatotal na 8, 4 at 7, tulad ng 17, 26, 35, 13, 22, 31, 40, 16, 25, 34, at 43. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa numerong hango sa Aklat ng Kabala: 9828/1732/1627/1451.

Samantala, sa 2021 hanggang 2022, sa edad mong 36 hanggang 37 pataas, madali mo nang masasapol ang jackpot kung maghahanap ka ng lotto outlet na nasa harapan ng simbahan, puwede rin ang lotto outlet na nakaharap sa silangan ang pintuan o rehas na bakal. Ang nasabing lotto outlet na nasisikatan ng unang sinag ng araw sa umaga ang binatana o ang pintuan ang siguradong magpapatama sa iyo ng jackpot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page