top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palugit sa pagbabayad ng utang sa mga bangko ngayong may ECQ

  • Persida Acosta
  • Apr 29, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Nakabili ako ng bagong sasakyan noong Disyembre 2019 sa pamamagitan ng paghiram ng pera mula sa bangko. Sa kasamaang palad, ako ay isa sa mga empleyadong napabilang sa “no work, no pay”. Dahil dito, hindi ko mababayaran ang aking hulog para sa buwan ng Abril sa bangkong aking pinagkakautangan. Maaari ba akong humingi ng palugit sa bangko nang walang babayarang interest o multa? – Rolando

Dear Rolando,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 11469 o “BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT” kung saan nakasaad ang sumusunod:

“Rule III MANDATORY GRACE PERIOD- Section 3.01 Mandatory Grace Period. All Covered Institutions shall implement a 30-day grace period for all loans with principal and/or interest falling due within the ECQ Period without incurring interest on interest, penalties, fees and other charges. The initial 30- day grace period shall automatically be extended if the ECQ period is extended by the President of the Republic of the Philippines pursuant to his emergency powers under the Bayanihan to Heal as One Act.” (Binigyang-diin)

Ayon din sa nasabing batas, ang mga kabilang sa covered institutions ay ang mga sumusunod:

“All lenders, including but not limited to banks, quasi-banks, non-stock savings and loan association, credit card issuers, pawnshops and other credit granting financial institutions under the supervision of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), and Cooperative Development Authority, public or private, including the Government Service Insurance System, Social Security System and Pag-ibig Fund” (Rule II, Sec. 2.01). (Binigyang-diin)

Maliwanag sa nabanggit na batas na ang mga mayroong pagkakautang sa bangko at sa iba pang mga pinansiyal na institusyon ay may tatlumpung (30) araw na palugit mula sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang magbayad ng utang. Hindi rin maaaring maningil ng dagdag na interest o multa ang mga nasabing institusyon sa loob ng nasabing palugit.

Sa inyong sitwasyon, kayo ay mayroong tatlumpung (30) araw mula sa ika-30 ng Abril 2020 upang mabayaran ang inyong hulog sa bangko para sa buwan ng Abril, nang walang interest o multa. Gayundin, maaari pang mapalawig ang nasabing tatlumpung (30) araw na palugit sa pagbabayad ng utang base sa magiging duration o panahong itatatagal ng ECQ dito sa ating bansa.

Nawa ay nasagot namin ang iyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page