Medical supplies ng China sa ‘Pinas, hindi tulong kasi may bayad pala
- Pabs Hernandez III
- Apr 29, 2020
- 2 min read
MEDICAL SUPPLIES NG CHINA SA ‘PINAS, MAY BAYAD PALA—Noong March 30, 2020 ay um-order ang Philippine gov’t. ng 1 milyong personal protective equipment (PPE) na nagkakahalagang P1.8 bilyon sa China.
Noong April 23 naman ay bumili ulit ang ‘Pinas sa China ng COVID 19 testing equipment na nagkakahala naman ng P126.9 milyong at noong April 26, dumating sa bansa ang karagdagang medical supplies mula sa China na nagkakahalagang P30 milyon.
Pambihira, akala natin lahat ng ‘yan ay tulong ng China sa Pilipinas, may bayad pala, buwisit!
◘◘◘
MGA ENGOT NA BANTAY NG CHECKPOINT SA BGY., IPAGBAWAL—Nabatikos ang isang engot na sitio leader sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City nang pagbawalan nito ang dalawang health workers na magde-deliver ng oxygen sa isang naghihingalong pasyente na residente sa lugar dahil bawal daw pumasok ang sinuman sa kanilang barangay mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Mabuti na lang at may dumating na mga kagawad na nagpahintulot sa dalawang health workers, dahil kung hindi, malamang ay may masamang nangyari sa pasyente.
Panawagan sa DILG, baka puwedeng maglabas sila ng memo na bawal magmando sa mga barangay checkpoint sa buong bansa ang mga engot, plis lang!
◘◘◘
HINDI LANG KAPITAN, MAYOR AT GOVERNOR, BAKA MAMUMURA NA RIN NG PUBLIKO DAHIL SA KAPALPAKAN—Sa muling pagharap ni P-Duterte sa publiko, sinabihan nito ang mamamayan na hindi pasok sa social amelioration program (SAP) na magtungo at magpalista sa mga barangay chairman, mayor at gobernador dahil bibigyan na rin sila ng ayuda para lahat ay may pera.
Sana hindi ‘yan pabida ni P-Duterte kasi kapag pumalpak na naman ‘yan tulad nang naunang pamamahagi ng DSWD na pili lang ang binigyan, hindi lang mga kapitan ang makatitikim ng mura sa publiko, kundi pati mayor at gobernador, boom!





Comments