top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mababang vaccination rate para sa tigdas, polio at iba pang sakit, pagtuunan ng pansin

  • Nancy Binay
  • Apr 29, 2020
  • 2 min read

Bagama’t COVID-19 ang halos araw-araw na laman ng balita, hindi lamang ito ang isyung pangkalusugan na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Bago ang paglaganap ng pandemikong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naging malaking isyu ang muling pagtaas ng kaso ng measles at polio sa ating mga kabataan, na dala ng mababang vaccination rate.

Ayon sa Measles and Rubella Surveillance Report ng Department of Health, nagkaroon ng 43, 214 kaso ng measles at 570 ang namatay mula rito.

☻☻☻

Sinabi ng United Nation’s Children’s Fund (UNICEF) na tinatayang 2 milyong kabataang Pinoy ang maaaring hindi mabakunahan dahil sa enhanced community quarantine.

Nararapat lamang na bigyan ng karampatang proteksiyon ang mga vulnerable sectors na madalas apektado sa ganitong public health issue—ang mga musmos at mahihirap.

Nauna nang sinabi ng DOH na nananatiling bukas ang mga health center upang masunod ng mga nanay ang immunization schedule ng kanilang mga anak.

Nananawagan tayo sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang DOH sa pamamagitan ng pag-aral sa guidelines ng World Health Organization kung paano maipatutupad ang mga critical immunization services sa kabila ng lockdown.

☻☻☻

Naiintindihan nating halos said na ang mga health workers at iba pang frontliners dahil sa pagtugon sa banta ng COVID-19.

Ngunit hindi natin puwedeng talikuran ang isang problema dahil may hinaharap tayong isa pang problema.

Kung hindi tayo gagalaw, puwedeng maging full-blown epidemic ang tigdas at iba pang communicable diseases.

☻☻☻

Huwag tayong mawawalan ng pag-asa sa gitna ng madilim na yugto na ito sa kasaysayan ng mundo.

Paalala lamang sa lahat na manatiling sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page