top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya 'di naging mag-BF kahit 18 yrs. magka-love team... Bea, 'di masakyan ang mga trip ni Jo

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 29, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Maraming nakyutan at kinilig sa ginawang pag-uusap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo via Instagram noong Lunes ng gabi lalo nang binalikan at nag-throwback sila sa mga pelikulang kanilang pinagtambalan.

Memorable para sa kanila ang One More Chance na ginawa nila noong 2007. Kumita ito nang husto sa takilya at marami ang nagsabing perfect tandem sa big screen sina Lloydie at Bea. May nag-wish pa nga na sana, sina Basha (Bea) at Popoy (JLC) na ang magkatuluyan in real life.

Napakalakas ng chemistry nila as screen partners at perfect na maging real-life partners. Pero, isang malaking katanungan para sa lahat kung bakit nga ba hindi naging magkasintahan sina Bea at Lloydie ganu'ng super close at magkasundung-magkasundo naman sila.

Niligawan ba ni John Lloyd si Bea noong panahon na lagi silang magkapareha sa mga pelikula? May "something" na nakikita ang mga moviegoers sa mga eksena nina Bea at JLC. Hindi 'yun "acting" lamang kundi may shade of truth kung ano ang nararamdaman nila sa isa't isa. Bakit hindi sila nagkaroon ng relasyon?

Aminado naman si Lloydie sa lahat ng tao na naging malapit sa kanya si Bea at ang aktres lamang ang napagsasabihan niya ng lahat ng kanyang problema at nararamdaman. Si Bea ang kanyang takbuhan at shock absorber kapag magulo na ang kanyang mundo.

May naging pahayag din si Bea sa nasabing kuwentuhan with JLC na sa loob ng 18 years na naging magkaibigan sila ng kanyang perennial love team, hindi niya ganap na makilala kung ano ang tunay na pagkatao ng aktor. Iba ang nakikita niya kay Lloydie. Minsan, ang character ni Popoy sa One More Chance, minsan naman, si Idan na karakter ni Lloydie sa likod ng kamera.

Malaking puzzle o palaisipan kay Bea ang totoong katauhan ni JLC.

♥♥♥

Mga anak ni Pacquiao, ‘di spoiled brat kahit super-yaman na

Naaaliw kami kapag napapanood namin ang vlog ng pamilya nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee.

Sa kabila ng nabubuhay sila sa kasaganahan at nakatira sa malaking mansion, hindi mo sila makikitaan ng angas o yabang sa katawan. Makikita mo ang bonding nila sa isa't isa at kahit na mga English speaking na sila dahil nag-aaral sa international school, still, taglay pa rin nila ang kasimplehan sa kanilang mga kilos.

Maayos ang ginawang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang at laging ipinaaalala ni Pacman ang kanyang pinagdaanang hirap noong hindi pa siya sikat na boksingero.

Kahit milyun-milyon na ang kinikita ng Pambansang Kamao, hindi niya kinalilimutan ang dati niyang buhay sa GenSan. Naikukuwento niya ito sa kanyang mga anak.

Kaya naman humble at hindi naging mapagmataas ang mga anak niyang sina Jimuel, Michael, Queenie, Princess at Israel. At hindi rin nakakalimot ang pamilya Pacquiao sa kanilang pagsisimba 'pag araw ng Linggo. Ito ang gawaing hindi nila puwedeng ipagpaliban.

Pero, ngayong may enhanced community quarantine, sa bahay na lang muna ang pamilya ni Sen. Manny at marami silang activities na nagsisilbing bonding na rin nila tulad ng pagti-TikTok, videoke, games, atbp..

At one point, pati paglalaba ay itinuro ni Jinkee sa kanyang mga anak.

♥♥♥

Kusang-loob ang ginawa ni Christopher de Leon na pagdo-donate ng kanyang plasma upang makatulong sa mga COVID-19 patients na nangangailangang maisalba ang buhay. Paraan ito ni Boyet upang makapagpasalamat dahil naka-survive siya sa COVID-19 at tuluyang gumaling.

Alam ni Boyet kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng mga taong COVID-19 positive. Hindi lang stress at physical na sakit ng katawan ang kanilang pinagdaraanan kundi ang labis din na pag-aalala sa kanilang mga mahal sa buhay.

Matibay ang pananalig niya sa Diyos at malaking moral support din ang mga dasal ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasamahang artista, atbp. na nanalangin para sa kanya.

Ilang beses nang nalagay sa alanganin ang buhay ni Boyet. Minsan na rin siyang naaksidente sa isang eksena sa serye sa telebisyon na kanyang nilabasan pero nakaligtas siya. Kaya nang siya ay mag-positive sa COVID-19 ay dasal ang kanyang naging sandata.

Hindi niya hinayaan na siya ay tuluyang igupo ng deadly virus na kumitil na ng maraming buhay. Hindi siya nagpatalo sa mga negatibong nababalitaan niya sa epekto ng COVID-19 at malaking tulong din na physically fit at malakas ang immune system ni Christopher kaya siya naka-survive.

♥♥♥

Mukhang super in love talaga sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang petite comedienne na si Kiray Celis.

Four months pa lang ang kanilang relasyon pero naipakilala na ni Kiray sa kanyang partidos ang kanyang boyfriend at nang mag-celebrate siya ng kaarawan bago nag-lockdown sa Metro Manila ay dumalo sa kanyang selebrasyon sa bahay ang non-showbiz guy at may sorpresa pa para sa comedienne-actress.

Bukod sa happy birthday balloons, niregaluhan niya si Kiray ng bouquet of Spongebob stuffed toys na favorite cartoon character ng GF niya.

Mukhang boto naman ang partidos ng petite na komedyana sa BF niyang si Stephen.

♥♥♥

Lovely, rumaket, fitness coach mula nang mag-lockdown

May bagong career ngayon ang comedienne na si Lovely Abella. Bukod sa magaling siya sa comedy na nagagamit niya sa Bubble Gang at All-Out Sunday, isa rin siya ngayong fitness coach.

May online group siya, ang Lovely Fitness Squad kung saan nagtuturo siya kung papaano maging fit and healthy lalo na sa panahon ngayon na naka-lockdown dahil sa enhanced community quarantine.

Kailangan na may body goals din daw tayo habang naka-quarantine. May special siyang workout plan, ang HIT (high-intensity interval training).

May healthy meal tips din si Lovely para sa mga gustong magkaroon ng fit and healthy body.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page