Kahulugan na parang totoo ang panaginip na may ka-holding hands
- Socrates Magnus
- Apr 29, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Francine Monroy na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
May lagi akong napapanaginipan na lalaki pero hindi ko siya kilala, tapos ‘pag nagising na ako ay ‘di ko na masyadong maalala ‘yung mukha niya pero ‘yung mga ginagawa namin ay naaalala ko at sobrang saya namin sa panaginip ko, tapos biglang napuputol ‘yung panaginip ko.
Gayundin, sobrang bait niya at nagho-holding hands at nagki-kiss kami sa pisngi, pero hindi ko alam kung bakit namin ginagawa ‘yun at kung bakit ko siya napapanaginipan, samantalang hindi ko naman siya kilala.
Sabi ng mga napagtanungan ko, may kaluluwa na may gusto sa akin, totoo ba ito?
Naghihintay,
Francine
Sa iyo Francine,
Hindi kaluluwa ang nakakaulayaw ng mga babae sa kanilang panaginip dahil ito ay spirit at hindi lahat ng spirit ay kaluluwa. Gayunman, bilang karagdagang paliwanag, ang lahat ng kaluluwa ay espiritu.
Ang tawag sa spirit na nakakaulayaw ng mga babae ay incubus kung saan mananaginip ang babae na may katalik siya at ito ay incubus. Parang totoong-tooo ang sexual episode ng babae at incubus dahil lahat ng nadarama ng babae sa tunay na pagtatalik ay madarama niya rin sa kanyang panaginip.
Sa totoo lang, marami ang nagsasabi na ang pakikipagtalik sa incubus ay mas masarap kaysa sa aktuwal na pakikipagtalik. Ito ay nangyayari dahil ang incubus ay nagustuhan ang babaeng natutulog kaya bilang pag-iingat, ipinapayo sa mga babae na huwag matulog na kita ang maseselang bahagi ng katawan o ang mga posisyon sa pagtulog ay mapang-akit.
Halimbawa, litaw ang sexy na hita at nakikita ang mga parte ng katawan na bawal sanang makita at iba pang mga posisyon ng pagtulog na hindi magandang tingnan para sa dalaga.
Gayunman, ang panaginip mo ay hindi tungkol sa incubus dahil ito ay nagsasabi na hindi masaya ang love life mo ngayon at kahit maganda ka, ikaw ay may malungkot na life.
Kaya para hindi ka mawalan ng pag-asa, ipinakita sa iyo ang iyong panaginip ang ilan sa iyong hinaharap na ang future lover at mapapangasawa mo ay siya na mismong nasa panaginip mo.
Ibig sabihin, hindi ngayon o sa malapit na mga araw kundi sa future pa. Ito rin ay nagbababala na ang karelasyon mo ngayon ay hindi inilaan sa iyo ng iyong tadhana.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments