Aray ko! Hindi pala ikaw, Ellen!.. Bea, ibinuking na si Sarah ang great love ni John Lloyd
- Beth Gelena
- Apr 29, 2020
- 3 min read
Beth Gelena / Bulgary Files
Piolo, payag balikan si KC dahil pareho nang single uli

Naniniwala si KC Concepcion na may second chances ang pag-ibig.
Sa kanyang Instagram account, may nagtanong na netizen, “Do you have a boyfriend?”
Sagot ni KC, “Single.”
“Do you believe in second chances?” muling tanong ng netizen.
"I do," KC answered.
Kinumpirma rin niyang September 2019 nang mag-break sila ng French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.
Sa ngayon naman ay nali-link siya sa Fil-Am rapper-singer at isa sa mga judges ng The Voice Teens na si Apl.de.Ap.
Pero alam naman ng lahat na ilang taon na ang nakararaan ay nagkaroon din sila ng relasyon ni Piolo Pascual. Matagal ding nakarelasyon ni KC si Piolo at nagkahiwalay ang dalawa nu'ng year 2011.
Sa isang interbyu last year kay Papa P., natanong ang aktor kung magkakabalikan pa ba sila ni KC dahil single na muli ang Mega Daughter.
Sagot ni Papa P., "May posibilidad," dahil maging siya raw ay single pa rin.
Nakarating kay KC ang sinabi ng Kapamilya actor. Aniya, napatawad na niya si Papa P. and she cares for him as a friend.
So, posible nga kayang magkabalikan sila ni Papa P? ‘Yun na!
***
Aray ko! Hindi pala ikaw, Ellen!
BEA, IBINUKING NA SI SARAH ANG GREAT LOVE NI JOHN LLOYD

IBINUKING ni Bea Alonzo si John Lloyd Cruz sa kanilang Instagram live stream kamakailan.
Habang nagpapalitan sila ng kanilang mga linya sa pinagsamahang pelikula at teleserye, may nasabi si Lloydie na ayon kay Bea, hindi siya ang kasama sa pelikulang ginawa nito.
“I don’t get jealous. I’ve never been jealous. Ngayon lang….” sabi ni Lloydie.
Sabi ni Bea, “Taray! Hindi ako kasama diyan. Ibang pelikula 'yan. Nakakabuwisit. Hindi ako 'yun.”
Ang binanggit ng aktor ay ang pelikula nila ni Sarah Geronimo na You Changed My Life nu’ng year 2009.
Sagot naman ni JLC sa aktres, “Why? Are you jealous?"
Malakas na humalakhak si Bea at sinabing, “Hindi, 'no! Wala akong laban du'n, GL 'yun, eh. Ano'ng laban ko ru'n?”
Ang "GL" ay millennial term ng “great love.”
Parang nakunsensiya naman ang aktor at saka lumihis ng iba pang linya ng kanilang mga pinagsamahang proyekto.
Tuloy, komento ng mga netizens ay huwag na raw nilang isali si Sarah sa kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa dahil tahimik na ang buhay ng Pop Princess sa piling ni Matteo Guidicelli.
Pero may nagsasabi namang, “Hindi si Sarah ang great love ni John Lloyd. Ang great love ni John Lloyd, hindi na active sa showbiz.”
***
PILITA, BOTO KAY RAYVER PARA SA APONG SI JANINE

NAGSAMA sina Janine Gutierrez at Pilita Corrales sa isang video. Meaning ay wala nang sama ng loob sa isa’t isa ang mag-lola.
Kamakailan lang kasi ay napagsabihan ng Asia’s Queen of Songs si Janine dahil sa hindi magandang komento nito sa pagbabalik-showbiz ng actor-politician na si Bong Revilla, Jr..
Pinagalitan ni Pilita ang apo na ipinagtanggol naman ng inang si Lotlot de Leon.
Ipinost ni Janine nu’ng Sunday (April 27) sa kanyang YouTube channel ang Q&A niya sa kanyang Mamita Pilita na may title na Ask Mamita Anything.
Unang tanong ni Janine, ano ang payo ni Pilita sa mga NBSB (no boyfriend since birth).
“They will come. Maybe for a long time you don’t have a boyfriend, and suddenly you meet someone and you know he’s the one,” sagot ng beteranang singer.
After nu'n ay binuweltahan ni Pilita ang apo, “Is that Rayver for you?”
Tumawa lang si Janine, at nagbalik-tanong sa kanyang Mamita.
“Do you like Rayver?” tanong ng Kapuso actress.
“Yes, I do. I like Rayver very much,” mabilis na sagot ni Pilita.
“He’s very nice, very talented. He sings, he’s such a wonderful dancer. And I think you make a nice pair together, you and Rayver.”
Dugtong pa ng beteranang singer, "He’s very respectful man."




Comments