top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di pa tayo sure, pero mukhang magkakatotoo... Processed at fast food biz, hihina dahil mas bet na n

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Apr 29, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na mga pagbabago pagkatapos ng COVID-19.

Sa pagpapatuloy ng usaping ito, narito pa ang ilang nakagugulat na pagbabago sa buhay ng mga tao.

1. Ang mga office tables ay maiiba ang sukat dahil malalaki na ito kaysa sa pangkaraniwang sukat ng mga lamesang pang-opisina. Ang susunding sukat ng mga lamesa ay mula mahigit isang metro ang layo sa nagtatrabaho at sa bibisita sa kanyang opisina.

Gayundin, sa mga office table na karaniwang may ballpen at papel, ito ay magkakaron na ng hand sanitizers o mga alcohol.

Ang nakikita nating mga division ng bawat table ay mas mataas na ang nasa harapan na nakaharang. Maaaring ang mga nag-oopisina ay mapaliligiran ng mirror kaya ang lahat ay matutulad sa mga cashier kung saan may harang sa harapan niya.

2. Ang magiging uniform ng mga empleyado ay long sleeves upang maiwasan ang pagdapo ng mga mikrobyo sa balat.

3. Hindi na puwede ang ginagawang pagse-search ng guards sa katawan ng mga papasok sa establisimyento.

4. Sa pagkain naman, iiwasan din ang sabayang pagkain kapag break time. Gayundin, ang bawat empleyado ay magkakaroon ng sariling plato, baso o cup at iba pang gamit sa pagkain.

5. Magpo-provide na rin ang mga employers ng vitamins at mineral supplement sa kanilang mga empleyado.

6. Hindi na magko-commute ang mga manggawa dahil libre na ang sakay sa mga company bus o sasakyan.

7. Hihina ang mga fast food business dahil ang mga tao ay mas gagasta sa pagbili ng mga prutas na gagawin nilang baon sa kanilang trabaho.

8. Higit na pahahalagahan ng lahat ang personal hygiene kung saan ang mga employers at employee ay maoobliga na maligo o pag-uwi mula sa opisina.

9. Ang gulay na inaayawan ng mga bata at ilang matatanda ay mas piliin na dahil kahit hindi ito masarap, ang mga gulay ay pampalakas sa immune system.

Dahil dito, madali ring hihina ang mga processed food business dahil tulad ng nasabi na, pipiliin ng mga tao ang fresh goods, gayundin, babawasan na nila ang pagkonsumo ng mga karne.

Ang lahat ng ito ay sa ngalan ng takot na bumalik ang COVID-19.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page