top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maaari bang obligahin ang pinsan sa pagbibigay ng suporta sa panahon ng enhanced community quarantin

  • Persida Acosta
  • Apr 28, 2020
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Natigil ang aking hanapbuhay sa Metro Manila dulot ng enhanced community quarantine. Nanghingi ako ng suporta sa pagkain sa pinsan ko dahil siya lamang ang kamag-anak ko na malapit sa aking tinitirahan. Subalit, ayaw niya akong suportahan dahil sapat lang daw ang kanyang naipon para sa kanyang pamilya. Maaari ko bang obligahin ang pinsan ko na bigyan ako ng suporta? – Jewel

Dear Jewel,

Ang inyong katanungan ay binigyang linaw sa Article 195 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

“Article 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:

  1. The spouses;

  2. Legitimate ascendants and descendants;

  3. Parents and their legitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

  4. Parents and their illegitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

  5. Legitimate brothers and sisters, whether of the full or half blood.” (Binigyang-diin)

Malinaw na sinasabi ng ating batas na hindi ninyo maaaring obligahin ang inyong pinsan na magbigay ng suporta dahil hindi siya kabilang sa mga taong obligadong suportahan kayo. Gayunman, ang inyong pinsan ay maaaring magbigay sa inyo ng suporta ng kusang-loob.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page