top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

6 na ospital na nandedma sa namatay na ginang, dapat pakasuhan ni P-Digong

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 28, 2020
  • 2 min read

RAPPLER, DAPAT MAG-PUBLIC APOLOGY SA PNP—Kung walang ebidensiya na video ang mga pulis sa pag-aresto sa negosyanteng si Javier Salvador Parra sa Dasmariñas Village sa Makati City, malamang ay sira na naman ang imahe ng PNP sa publiko.

Sa video ng misis ni Parra na pinost sa social media ng Rappler ay nagalit ang publiko sa PNP dahil puwersahang inaaresto ito (Parra) sa harap ng kanyang bahay sa paglabag sa enhanced community quarantine, pero sa video ng Makati police, lasing ang negosyante at ito ang nag-provoke ng gulo at minura pa mga pulis kaya ito hinuhuli.

Sablay ang Rappler kaya dapat silang mag-public apology sa kinatay na video na pinost nila sa social media, period!

◘◘◘

PAGPAPA-DEPORT NI BELLO SA PINAY NA OFW, SABLAY—Sablay ang diskarte ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipa-deport ang isang Pinay na OFW sa Taiwan na bumatikos sa kapabayaan diumano ng gobyernong Duterte kaya lumaganap ang deadly virus sa Pilipinas.

Ang siste, kay P-Duterte nag-boomerang isyung ito, siya ang nabatikos ng publiko dahil ang laki na ng problema ng buong mundo dahil sa COVID-19, tapos pati pagpapa-deport sa OFW ay pinag-aaksayahan pa ng panahon ng Duterte gov’t., boom!

◘◘◘

DAPAT PAKASUHAN NI P-DUTERTE ANG 6 NA OSPITAL NA NANDEDMA SA NAMATAY NA GINANG—Sa kabila na inihayag na noon ni P-Duterte na dapat tanggapin at gamutin ng mga ospital ang mga pasyente na iba ang sakit o hindi virus ang sakit, nabalita na anim na ospital pa rin ang tumangging gamutin ang isang ginang na dinugo sa panganganak, na nagresulta upang mamamatay ito.

Dapat pakasuhan na ni P-Duterte ang anim na ospital na ito kasi kung wala siyang gagawing aksiyon, baka maulit na naman na iniisnab-isnab ng mga pagamutan ang mga pasyenteng hindi COVID-19 ang sakit, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page