top of page

Yumaman at namigay ng pera sa mga kapitbahay, senyales na may mabuting kalooban

  • Socrates Magnus
  • Apr 27, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lourdes na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na marami akong pera at ipinamimigay ko sa mga tao. Nagbahay-bahay ako, tapos bawat bahay ay binibigyan ko ng pera. Sa dami ng mga nangangailangan, P100 lang ang ibinibigay ko.

Sa totoong buhay, wala naman akong pera at sa totoo lang ay nangangailangan din ako. Gayunman, totoong pangarap kong yumaman, tapos tutulungan ko ang mga mahihirap pero ‘yung mabubuting tao lang. Ang katwiran naman, kung tutulungan ang mga masasama ay kawawa naman ang mga taong gagawan nila ng masama.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, yayaman ba ako?

Naghihintay,

Lourdes

Sa iyo Lourdes,

Ang pagyaman ay hindi biglaan, mali ang akala ng marami na kapag ang tao ay yayaman, siya kahit walang gagawin.

Una, para yumaman, kailangang isabuhay ang lifestyle na nakapagpapayaman, ide-develop din ang mga katangian at ugali at gawi na nagpapayaman. Ito ay dahil hindi yayaman ang walang katangian na para sa taong puwedeng yumaman.

Totoong may mga biglang yumaman, pero ito ay dahil nakatanggap sila ng malalaking halaga. Gayunman, akala lang nila ay mayaman na sila, pero ang hindi nila alam, ang mga walang katangian ng mayaman ay maghihirap din agad.

Ang panaginip mo ay nagsasabing tunay na may magandang personalidad ka at kapag yumaman ka, tutulungan mo ang mga tao pero ang isa pang totoo, kapag nagkapera ka ay tutulong ka na. Ibig sabihin, kahit yumaman ka o hindi, hindi mo maiaalis sa katawan mo ang tumulong sa kapwa.

Ang panaginip mo rin ay nagbabalita na hindi magtatagal ay magkakapera ka kaya hindi rin magtatagal ay mamimigay ka sa mga alam mong dapat na tulungan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page