30 bahay nasunog sa Tondo
- Mylene Alfonso
- Apr 26, 2020
- 1 min read

Umabot sa 30 bahay ang natupok matapos na sumiklab ang isang sunog kaninang umaga sa Tondo, Manila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6:16 ng umaga nang magsimula ang sunog mula sa tatlong storey na residential house na yari sa light materials.
Ang bahay ay pag-aari ni Rey Bucacao na matatagpuan sa Juan Luna St., Tondo, Manila. Nabatid ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out, alas-6:58 ng umaga.
Nasa 50 pamilya ang naapektuhan sa nabanggit na sunog at tinatayang nasa P300,000 ang napinsalang mga ari-arian.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nabanggit na sunog habang iniimbestigahan na ng arson division ang sanhi ng insidente.





Comments