top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-army na napatay ng pulis sa checkpoint, binigyan ng pagkilala sa Libingan ng mga Bayani

  • BRT
  • Apr 25, 2020
  • 1 min read

Binigyan ng pagkilala sa Libingan ng mga Bayani si retired Philippine Army Cpl. Winston Ragos matapos na ito ay mabaril ng pulis sa isang lockdown checkpoint sa Quezon City.

Dumating ang labi ni Ragos sa Libingan ng mga Bayani nitong madaling-araw ng Sabado kung saan itinakda ang libing nito sa araw ng Linggo.

Matatandaang, napatay ng mga kapulisan na nagbabantay sa checkpoint si Ragos matapos umanong aktong bubunot ng baril at nakipagmatigasan pa sa mga awtoridad.

Napag-alaman, na dumanas ng post-traumatic stress disorder (PTSD) si Ragos na kanyang nakuha umano mula sa pakikipaglaban sa Marawi City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page