Cash assistance galing sa gobyerno, pinag-awayan... Nanay, pinatay ng anak
- BRT
- Apr 25, 2020
- 1 min read

Kulong ang isang lalaki matapos umano nitong patayin ang kanyang sariling ina dahil sa away sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno sa Barangay Amlang, Rosario, La Union.
Sa isang panayam kay P/Capt Joel Cabaddo, deputy chief ng Rosario Police, sinabi nito na pera umano ang dahilan kaya nangyari ang krimen.
Humihingi umano ng pera ang suspek na si Omar Casilla, 34, binata, at construction worker sa kanyang ina na si Pacita Casilla, 59, vegetable vendor kapwa residente ng nasabing lugar.
Iginigiit ng suspek na P5,500 ang natanggap ng biktima ngunit P4,500 lamang ang natanggap ng huli sa SAP.
Dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ina kung saan pinagtataga ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang ina.





Comments