top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbabalik-operasyon ng POGO sa bansa, inihihirit kahit may ECQ

  • Korina Sanchez
  • Apr 24, 2020
  • 2 min read

Ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tauhan na pumasok sa Pacific Plaza Towers (PPT) noong Linggo.

Nakunan ng video ang pulis na sinisigawan ang mga taong nakapaligid sa swimming pool na bumalik sa kani-kanilang lugar dahil may ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ayon sa PNP, nasa lugar ang pulis dahil sakop ng ECQ ang mga common areas ng mga condominium. Kaugnay nito ay nagbanta ang administrasyon ng PPT na sasampahan nila ng trespassing ang mga pulis at sasampahan din ng PNP ang administrator ng PPT.

Kung saklaw ang mga common areas ng pribadong condominium, paano ang mga compound kung saan may ilang bahay pati na rin ang compound ng mga townhouses?

Hindi na pala puwedeng maglakad sa loob ng compound ang mga residente? Bawal din silang lumangoy sa swimming pool o nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay?

Hindi dapat gumagawa ng sariling alituntunin. Pero kung paniniwalaan ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi puwedeng basta na lang pumasok ang pulis sa pribadong lugar nang hindi inimbitahan, walang warrant o walang nagaganap na krimen dahil nakasaad sa Saligang-Batas na karapatan ang maging ligtas sa lugar ng tinitirhan.

◘◘◘

Samantala, may panukala na muling pasisimulan ang operasyon ng mga POGO.

Ang siste, kailangang lumabas ng kani-kanyang tahanan ang mga empleyado nito. Kapag nagpatuloy ang operasyon, gaano sila kasiguradong matitiyak ang social distancing?

Pareho lang ang POGO sa casino pero ang mga casino natin sarado.

Sa totoo lang, napakaraming negosyante ang humihiling na muling ibalik ang operasyon ng kanilang negosyo pero hindi ito pinahihintulutan dahil sa ECQ.

Naiintindihan natin na para sa kapakanan ng lahat ang ECQ. Pero hindi ito panahon para mawala ang karapatan ng mamamayan na maging ligtas o malaya sa loob ng sariling lugar at hindi rin dapat pinapayagang magmina ang China sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page