Iprayoridad ang kabuhayan ng mga Pinoy, bago ang kabuhayan ng mga Chinese
- Pabs Hernandez III
- Apr 24, 2020
- 1 min read
UNAHIN ANG BALIK-TRABAHO NG MGA PINOY, BAGO ANG NEGOSYO NG MGA CHINESE—Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang pagbabalik-operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Pambihira, imbes na unahin ng pamahalaan ang pagbabalik-trabaho ng mga Pinoy, tila mas prayoridad pa ang pagbabalik ng POGO na negosyo ng mga Chinese, buwisit!
◘◘◘
TILA MAS ‘MAY KATOK’ ANG PARAK NA PUMATAY SA EX-ARMY NA MENTAL ISSUE—Mali ang ginawang pamamaril at pagpatay ni Police M/Sgt. Daniel Florendo ng Quezon City Police sa ex-army na may diperensiya sa isip na si ex-Pfc. Winston Ragos dahil diumano’y lumabag ito sa enhanced community quarantine.
Ang palusot ni Florendo, tinangka ni Ragos na bumunot nang baril nang pinadadapa niya ito, pero sa video ay walang nakitang baril na binunot ang dating sundalo.
Dahil sa ginawang pamamaril at pagpatay ni Florendo sa hindi namang armadong biktima, lumalabas ngayon na mas may “katok sa utak” ang parak na ito kaysa sa pinatay niyang ex-soldier, period!
◘◘◘
COVID-19 ANG KALABAN, HINDI TAO—Dahil sa pamamaril at pagpatay ni Florendo sa kay Ragos, batikos ang inabot sa publiko ng Duterte gov’t. dahil hindi makatuwiran na basta na lang barilin at patayin ang isang lumabag sa ECQ, lalo na at ang biktima ay may diperensiya sa isip.
Para hindi na maulit ang ganitong insidente, dapat ipaalaala ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa kanyang mga tauhan na hindi tao ang kalaban natin, kundi ang salot na COVID-19, period!





Comments