top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Yasmien, sinisi ng mga netizens dahil wa ‘raw silbi kahit nag-aral ng nursing

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 23, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Andrea, todo-bakod ang kailangang gawin kay Derek para ‘di maagawan

Hindi na nakakapagtaka kung hinahabol ng mga chicks ang morenong aktor na si Derek Ramsay. Ilan sa mga naging girlfriends niya sa showbiz ay sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, Alexa Amos, Cristine Reyes at Joanne Villablanca.

Sa mga ito, tanging si Cristine ang nakarelasyon niya ng one year lang. Ang iba ay 2 to 4 years tumagal.

Huling girlfriend ni Derek ay ang model na si Joanne at ngayon, ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ang kanyang nobya na ipinakilala na niya sa kanyang partidos at boto ang mga ito sa magandang aktres.

Agad na nakasundo ng aktres ang mismong mommy ni Derek. Maraming kaibigan, kakilala at mga tagahanga nina Andrea at Derek ang nagsasabing perfect match sila at sila talaga ang pinagtagpo para sa isa't isa.

May mga nagdarasal especially ang mga AndRek fans (Andrea/Derek) na sa kasalan na mauwi ang love story ng dalawa.

Si Ada (Andrea) raw ang tamang babae para kay Derek kaya hindi na dapat pang pakawalan ng hunk actor.

May mga nagpapayo naman kay Andrea na talian na niya nang husto ang aktor upang hindi na maagaw pa ng mga babaeng nagpapantasya pa rin kay Derek. Kailangan na heavy guarding na ang gawin ni Andrea.

♥♥♥

William, nanawagan na kapos na sa pagkain, inulan ng tulong

Nagpaabot ng pasasalamat ang aktor na si William Martinez sa mga taong may mabubuting puso na nagbigay sa kanya ng ayuda ngayong may lockdown at enhanced community quarantine na pinaiiral.

Kamakailan, nag-post si William sa social media ng kanyang concern kung matagal pa ang lockdown. Kakapusin na raw ang kanyang nabiling stocks ng pagkain kung tatagal pa ito nang two weeks. Masasaid na ang kanyang pinamili.

Mag-isa lang ngayon si William sa kanyang tinutuluyan sa isang village sa Antipolo. Noong wala pang COVID pandemic ay nadadalaw-dalaw siya ng kanyang mga anak.

Friends pa rin naman sila ng ex-wife niyang si Yayo Aguila. On special occasions ay dinadalaw ni Yayo si William kahit nagkaroon ng mild stroke ang aktor noon.

Matagal ding hindi nakatanggap ng projects sa TV at pelikula ang aktor dahil sa stroke kaya may PWD ID siyang ginagamit ngayon.

Isa si William sa mga nagdarasal na magkaroon na ng lunas ang COVID-19 at maging ligtas na ang ating mamamayan. Umaasa rin siya na kapag na-lift na ang lockdown ay magbabalik na sa normal na buhay ang lahat lalo na sa mga taga-showbiz na tulad niya na ang kinikita ay nakadepende lang sa mga TV and movie projects na gagawin.

♥♥♥

Yasmien, sinisi ng mga netizens dahil wa ‘raw silbi kahit nag-aral ng nursing

Kung may mga netizens na pumupuri sa ginagawang pagtulong ni Yasmien Kurdi sa fundraising projects ng GMA Network tulad ng "Project Rice Up (Butil Para sa Buhay)", may ilan namang nagsasabing mabuti pa raw ang ilang health workers na pina-practice ang kanilang kursong natapos tulad ng mga doktor at nurse na nagsasakripisyo para lang makasagip ng buhay ng mga COVID-19 patients, pero si Yasmien daw, undergrad ng Nursing at hindi tinapos ang kanyang kurso. Sana raw ay nakakatulong na siya ngayon sa COVID-19 pandemic.

Kalmado lang naman si Yasmien nang sagutin ang nasabing basher.

Aminado siya na hindi niya natapos ang kursong Nursing. Isang taon pa dapat bago siya maka-graduate. Nag-shift siya sa Political Science at nagtapos bilang Cum Laude sa kursong ito.

♥♥♥

Erwan, nag-aral magluto ng Korean foods para kay Anne

Suwerte rin naman si Anne Curtis kay Erwan Heussaff na bukod sa guwapo na at isang responsableng padre de familia ay suportado pa ang lahat ng kanyang hilig sa buhay.

Alam ni Erwan na diehard fan si Anne ng mga K-dramas. Sobrang nahumaling si Anne sa mga Korean stars na gumaganap sa mga K-dramang pinanonood niya. Kaya naman itong si Erwan, nag-aaral na rin na magluto ng mga Korean foods na paborito ni Anne para raw swak na swak na ihain kapag nanonood ng K-dramas ang kanyang beautiful wifey.

Ganoon magmahal si Erwan kaya todo ang pasasalamat sa kanya ng kanyang maybahay.

♥♥♥

Betong, pati paglalaba ng brief habang naka-lockdown, naka-video pa

Maraming pinasaya ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya sa kanyang post sa Instagram, ang Betong's Laba Serye kung saan ipinakikita na naglalaba siya ng kanyang mga underwear at mga damit habang bumibirit ng mga sikat na jukebox songs tulad ng Feelings ni Morris Albert at Beep Beep ng Juan Dela Cruz.

Nang mag-lockdown ang Metro Manila, si Betong ay sa Quezon City muna nag-stay at hindi pa nakakauwi sa kanyang pamilya sa Rizal at habang nasa enhanced community quarantine, gumagawa siya ng mga nakakatuwang videos at nagpasaya sa lahat.

Samantala, ang talent search show na Center Stage hosted by Alden Richards ay pansamantalang natigil, kaya miss na miss na ni Betong ang pagiging journey host ng show.

Regular cast din ng Bubble Gang si Betong at dito nahasa ang kanyang pagiging comedian.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page