top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa Swiss school, pagmumultahin ang parents na ‘di papapasukin ang anak

  • Lolet Abania​
  • Apr 23, 2020
  • 1 min read

Sa pagsisimula ng pagbawas ng restriksyon sanhi ng coronavirus sa mga bansa sa Europe, inumpisahan na rin ang pagbubukas ng klase. Subalit, maraming mga magulang ang kailangang balansehin ang takot sa virus o ang polisiya ng compulsory schooling.

Sa Switzerland, inanunsiyo nang bubuksan ang klase sa primary schools sa May 11, pero ilang magulang doon ang nag-aalala na masyado pang maaga para bumalik sa eskuwela ang kanilang mga anak.

Sakaling pipiliin nilang manatili ang mga bata sa kanilang tahanan at hindi papasukin, maaari silang magmulta ng libong dolyar, depende pa kung saang bansa sila residente, pahayag ng lokal na pamahalaan.

Gayunman, kahit sinasabi ng datos na hindi panganib ang novel coronavirus sa mga bata, may posibilidad na maging carrier sila nito at dalhin ang virus sa kanilang tahanan.

Naitala na sa Switzerland mababa sa 1,000 ang kumpirmadong kaso bukod dito ang mga bata at wala pang namatay.

Samantala, sa iba pang bansa sa Europe, tulad ng France, pinapayagan ang mga magulang sa desisyong manatili sa bahay ang kanilang mga anak kapag nagbukas na ang klase, sa kondisyong dapat ay masiguro nilang nakukuha ng mga bata ang tamang edukasyon.

Nagsara ang mga eskuwelahan dahil sa virus at marami ang naapektuhan na tinatayang 1.5 billion mga bata sa buong mundo. Marami tuloy ang nagtatanong kung ang pagpapasara ng mga eskuwelahan dala ng pag-iingat ay katubas ng pagsasawalang bahala ng oportunidad sa mga bata na magkaroon ng magandang edukasyon.

Sa isang pag-aaral, na na-published sa Lancet medical journal nitong April, sinasabing ang nakaraang pagpapasara ng eskuwela, na tugon sa SARS outbreak sa mainland China, Hong Kong at Singapore ay hindi nakatulong sa pagkontrol ng epidemiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page