Kahulugan ng binigyan ni P-Duterte ng lapis at ballpen
- Socrates Magnus
- Apr 22, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Rowena Yanez na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip na binigyan ako ni Pres. Duterte ng pencil case na may laman na lapis at ballpen?
Naghihintay,
Rowena
Sa iyo Rowena,
Madalas ay naririnig natin ang kuwento ng guro at estudyante. ‘Yung “guro” ay mga tulad ni Buddha na tagapagturo ng kabanalan, kabutihan at prinsipyo ng buhay kung saan matatakasan ng tao ang hirap, pasakit at dusa sa mundo.
Sa kuwento, humihingi ng isda ang estudyante para may makain, pero ang ibinigay ng kanyang guro ay ang pamitmit o panghuli ng isda. Nagulat ang pinagbigyan niya, pero kalaunan ay nakuha rin niya ang mensahe ng kanyang guro na para mabuhay ang tao, hindi siya dapat umasa sa isdang ibibigay. Sa panahon ngayon, para na ring sinabi na huwag tayong umasa sa relief goods na tulong ng gobyerno.
Sa panaginip mo, ang ibinigay sa iyo ni P-Duterte ay lapis at ballpen. Mabuti na lang, hindi baril at bala dahil noong mayor pa siya sa Davao, ang madalas niyang ibinigay ay baril at bala. Kaya nagkaroon ng katahimikan sa Davao aydahil kapag ang bayan ay nabubuhay sa katahimikan, ayon kay P-Duterte, ang pag-unlad ay mabilis na magaganap.
Kapag lapis at ballpen ang ibinigay ng isang guro, ibig sabihin, huwag kang humawak ng armas kung masama ang loob mo dahil may mabisang sandata kaysa sa anumang armas at bala at ito ang panulat.
Kaya nga ang sabi, pen is mightier than a sword. Sa kabuuan, ang sabi ng iyong panaginip, huwag kang maging marahas, huwag kang magpadala sa gamit at isipan ang gamitin mo at hindi ang emosyon.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments