Kabataan, mawawala ang pagkaadik sa internet dahil magpopokus sa sariling interes at pagluluto
- Sr. Socrates Magnus II
- Apr 22, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na mga pagbabago pagkatapos ng COVID-19.
Ang isa pa sa makikita nating pagbabago pagkatapos ng COVID-19 ay ang magiging mas mabili ang mga prutas kumpara noon. Dahil dito, ang isa sa magandang pagkakitaan ay ang pagbebenta ng mga prutas. Gayunman, makikitang hindi “in” o aayawan na ng mga tao ang pagkain ng mga kilawin o hilaw na isda o karne.
Hindi na rin magiging mabenta ang exotic foods mula sa mga karne o bahagi ng katawan ng mga hayop dahil ang pinagbibintangan na pinagmulan ng COVID-19 ay ang mga paniki o bats at pengolin.
Sa kabuuan, ang mga tao ay mabuhay sa kalinisan, hindi lang sa paghuhugas ng mga at katawan kundi sa kalinisan din sa paraan ng pagluluto. Kaya kakaunti na rin ang mag-aalaga ng mga kalapati at iba pang ibon na pandekorasyon o pag-aalaga na hobby ng mga mahilig sa iba’t ibang hayop.
Kahit ang usung-uso na pagkain ng mga ahas at daga sa gitnang Luzon ay unti-unti nang mababawasan. Gayundin, ang panoood ng mga ibong manlalakbay o mga ibon na galing sa ibang bansa na dumadayo sa atin ay hindi na rin gaanong pag-iinteresan.
Ang pag-aalaga rin sa native na manok, bibe at baboy ay mawawala, gayundin ang pag-aalaga ng mga mamahalin o may breed na aso. Ang mga sabungan ay magsasara dahil nawawalan na ng interes ang mga sabungero na manood ng laban ng mga panabong.
Ang lahat ng ito ay mangyayari dahil mananatiling takot ang mga tao na panganib na magkaroon muli ng COVID-19 na nagreresulta sa mala-Martial Law na sitwasyon.
Samantala, hindi lang facemask ang madaragdag sa mga ibinebenta sa sari-sari store dahil pati alcohol ay ibebenta nang patingi-tingi.
Dahil dito, ang mga sari-sari store ay mangunguna sa pagsasabuhay ng mga pagbabago dahil ang mga ito ay para na ring botika sa barangay na nagtitinda ng pangunahing mga gamot tulad ng paracetamol, Vitamin C at iba pang mga supplements na nagpapakalakas ng katawan at kalusugan.
Ang mga convenience store ay magiging basic store ng mga tao dahil marami na ang iiawas sa mga wet markets dahil sa isyu ng hygiene o kawalang-katiyahan na ang mga paninda rito ay malinis. Dahil dito, ang mga order, delivery at online business ay magkakaroon na rin ng mga hilaw na pagkain at iba pang sangkap sa pagluluto.
Muli namang magbabalik sa buhay ng mga Pinoy ang sinasabing “A family that eats together, stays forever,” dahil mababawasan ang pagkahilig ng tao na pagkain sa mga mall at fastfoods. Kaya ang mga tao ay unti-unting matututo na magluto ng kanilang kakainin at darami rin ang mga lalaki na marunong magluto.
Ang online gaming at pagkahilig ng mga kabataan sa social media ay mababawasan na rin dahil ang matinding interes ng kabataan sa pagluluto ng sarili nilang paboritong pagkain ay ng kanilang pag-aaralan.
Itutuloy




Comments