G Tongi, tinawag na ‘loves’ si Derek, nang malamang may Andrea na, biglang natameme
- Julie Bonifacio
- Apr 22, 2020
- 6 min read

Overwhelmed ang sikat na celebrity photographer na si Raymund Isaac sa mga nanood nang live sa kanyang Quarantine Chikahan with Derek Ramsay on his Facebook page yesterday.
Dumagsa kasi ang mga nanonood na mga celebrities sa live interview niya kay Derek.
No less than the Star for All Seasons at Lipa City Congresswoman Vilma Santos ang nanguna sa mga celebrities na nanood sa interview ni Raymund kay Derek sa social media.
Regular viewer ni Raymund sa kanyang Facebook Live ang pamangkin at secretary ni Congw. Vi na si Carla Valeroso. Kaya pati si Congw. Vi, nakakapanood din kay Raymund sa Facebook.
And yesterday, may ini-request si Congw. Vi kay Raymund. Pinapabati niya during the show ang panganay niyang anak na si Luis "Lucky" Manzano na nag-birthday nga kahapon (April 21).
Kuwento naman ni Raymund kay Derek, when Congw. Vi found out na siya ang guest ng famous photog on his Quarantine Chikahan, "She said this, 'Raymund, sandali, huh? Agahan ko ang exercise ko, para at least pagdating ni Derek, manonood na ako sa inyo.' Sabi ko, 'Wow!'
"You know, she's so loved by so many people. Uhm, as you know 'di ba, my parents lives in Tagaytay and I also have a place in Batangas. She's so loved there, sobra," sabi ni Derek patungkol kay Ate Vi.
Dagdag pa niya, "I don't usually campaign for people but I did for her and grabe, the love that they've showed to her before, tagal na noon, many years ago, the love that they've showed her, and she really gave back to the people of Batangas, it's wonderful."

Ibinulalas naman ni Derek sa interview na dream niya na makatrabaho si Congw. Vi.
Dahil d'yan, komento ni Congw. Vi, "Let's go, Derek!! Let's get a good script for us! Excited! My regards to your mom! Thanks Raymund."
Reply ni Derek, "Yes, I wish! Thank you Ate Vi! Thank you! Thank you!"
At sa last part ng comment ni Congw. Vi, 'di pa rin niya nalimutang batiin ang kanyang anak na si Luis Philippe also known as Lucky.
"Happy birthday to my son! Love you, Lucky!"
Nag-thank you naman si Derek sa message ni Congw. Vi kasunod ang pagbati niya kay Luis. Aniya, "Lucky, happy birthday!"
Isa pang celebrity na bumati at nanood kina Raymund at Derek ay ang US-based former Kapamilya star na si G Tongi. She is now Mrs. Giselle Tongi-Walters at nakatira sa LA.
Ipinost ni G sa comment section, "Hello, hello loves!!!"
"Hi, Giselle! It's been a while," bati ni Derek sa kanya.
After greeting Giselle, napag-usapan na nina Raymund at Derek ang Kapuso star na si Andrea Torres.
And then, nag-post ulit ng comment si G, "Who's Andrea? Context for peeps that aren't updated?"
Sinagot naman ng isa sa mga viewers ni Raymund at showbiz writer din na si Pilar Mateo si G ng: "Siya po ang better-half ngayon ni Derek."
After that, 'di na namin nakitang nag-post ng comment si G.
♥♥♥
Isang kaibigan ang nag-post sa kanyang Facebook page ng panawagan sa pamahalaan para sa ayuda sa mga tulad niya na involved sa concert and event.
Tulad ng ibang sektor sa industriya, sila man ay labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Maraming projects nila ang nakansela at 'di matiyak kung hanggang kailan sila makakapagtrabahong muli.
Hindi namin tiyak kung pasok ang aming kaibigan at iba pang gaya niya na event personnel sa tulong na iniaabot ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga freelance AV live performance workers ng DEAR LIVE! project.
May tatlong programa na ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) ng FDCP para matulungan ang mga freelance audio-visual (AV) content workers na apektado ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.
Pagkatapos ilunsad ang DEAR ACTION! para sa mga freelance AV content workers at DEAR PRESS! para sa mga freelance entertainment press members, ipinakilala ng FDCP ang DEAR LIVE! para sa mga freelancers sa AV live performance sector.
Layunin ng DEAR LIVE! (for Displaced Freelance AV Live Performance Workers) na magbigay ng P5,000 o P8,000 bilang tulong-pinansiyal sa mga apektadong freelancers sa iba’t ibang larangan ng industriya ng AV live performance (performing arts, events, gigs, at shows).
Sila ang mga talents at performers (mga aktor, mang-aawit, mananayaw, musikero, etc.), production staff (backstage, floor, front of the house, etc.), at technical crew (stage, camera, sound, at production) na biglaang nawalan ng trabaho.
Ang kuwalipikadong aplikante ng DEAR LIVE! na may mas mababa sa limang kanselado o suspendidong araw ng trabaho mula sa araw ng deklarasyon ng state of calamity ay bibigyan ng P5,000 bilang tulong-pinansiyal habang ang mayroong limang kanselado o suspendidong araw ng trabaho ay tatanggap ng P8,000.
Ang kailangang bilang ng araw ng trabaho ay bahagi ng isang scheduled event (pre-production, production, o post-production) o umabot sa limang (o mas mababa rito) engagement, show, performance, o project, basta ito ay para sa pampublikong entertainment dahil ang mga pribadong kaganapan ay hindi tatanggapin.
Para sa COVID-19 na sitwasyon, ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon ay mula Marso 15 hanggang Abril 30, 2020.
Ang Freelance AV live performance workers na naranasan ang kahit na anong sitwasyon sa mga sumusunod ay maaaring mag-apply para sa DEAR LIVE! Program:
Nakatakda kang magtrabaho pero hindi ka nakarating sa lugar ng trabaho;
Nakatakda kang simulan ang trabaho pero ito ay nakansela o wala na ito;
Nagkasakit ka o nagkaroon ng injury kaya hindi ka na nakapagtrabaho;
Ang iyong employer o producer ay pansamantalang nagsara, o ang place of business ay permanenteng nasira o nawasak;
Nasimulan mo na ang trabaho, pero nakansela o ipinagpaliban ito.
Bukod pa rito, ang mga aplikante ng DEAR LIVE! ay dapat may “No work, no pay” status.
Dapat ay wala rin silang direktang employer at hindi sila kuwalipikadong makatanggap ng benefit payments mula sa kanilang pamahalaang lokal o sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Social Security System (SSS).
Paliwanag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño-Seguerra, “Ang DEAR LIVE! ay tulong ng gobyerno para sa mga freelance workers natin na hindi qualified sa existing programs ng DOLE at DSWD. The audio-visual industry is quite unique because it is composed of both formal and informal sectors. The goal of DEAR LIVE! is to cover workers who are not eligible for DOLE's CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) because they do not have direct employers and those who do not qualify for the DSWD Social Amelioration Program because of their income brackets. FDCP still considers them as among the most vulnerable right now because they lost work due to COVID-19.”
Pinahintulutan din ng FDCP ang AV companies na mag-apply para sa DEAR LIVE! sa ngalan ng kanilang freelancers.
Ang coverage ng DEAR LIVE! Program ay sa buong bansa. Bukas ito para sa lahat ng kuwalipikadong freelance AV live performance workers pero maaaring bigyang prayoridad ng FDCP ang low-income individuals na kumikita ng P3,000 o mas mababa rito kada palabas o P20,000 o mas mababa rito kada proyekto. Lahat ng documentary requirements ay dapat ipasa online sa FDCP National Registry, ang tagapangasiwa ng DEAR Program (dearnationalregistry@fdcp.ph).
Kapag nag-apply ka at hindi pa kumpleto ang iyong mga dokumento, bibigyan ka ng FDCP ng 21 calendar days mula sa araw ng aplikasyon para makumpleto ang requirements. Kapag hindi ito nagawa, hindi maaaprubahan ang aplikasyon o kailangang ibalik ang benefit payment. Ang application period ng DEAR LIVE! ay mula Abril 13 hanggang Mayo 13, 2020.
Matatanggap ng mga benepisyaryo ng DEAR LIVE! ang P5,000 or P8,000 mula sa FDCP sa pamamagitan ng bank deposit o money remittance service.
Dahil pondo ng gobyerno ang inilaan sa DEAR project para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, at sa diwa ng pagbibigay-serbisyo sa komunidad at AV industry, kailangang magbigay ng return service ang mga aprubadong aplikante sa loob ng dalawang (2) taon pagkatapos nilang matanggap ang DEAR LIVE! na tulong-pinansiyal.
Kailangang sumali o dumalo ang mga benepisyaryo sa dalawang kaganapan, aktibidad, o proyektong suportado o inorganisa ng FDCP bilang volunteer worker o propesyonal.
Dagdag pa ni Chair Liza, “FDCP, which is under the Office of the President, aims to complement the government programs and support our workers in this time of crisis especially that the ECQ is extended until April 30. Every effort from each agency counts and FDCP is heeding the call of its stakeholders from the audio-visual industry through DEAR.”
Para naman sa mga AV live performance workers na empleyado ng kumpanya (regular, contractual, seasonal, project-based, contract of service, etc.) at apektado ng state of calamity, maaari silang sumangguni sa CAMP at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE, pati na rin sa mga programa ng SSS, DSWD, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), at kanilang pamahalaang lokal.
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon: DEAR hotline: 0917-8003227 (text lamang), DEAR e-mail: dearnationalregistry@fdcp.ph, DEAR website: https://fdcp.ph/dear-program, Facebook page: https://facebook.com/FDCPNationalRegistry





Comments