EF4 tornado, ikatlong buhawi na tumama sa Mississippi
- Lolet Abania
- Apr 22, 2020
- 1 min read

MISSISSIPPI – Isang nakamamatay na buhawi, ang muling tumama sa Marion, Lamar and Forrest sa Mississippi noong Linggo ng gabi, na tinawag na EF4 twister, na may napakalakas na hangin na 170 mph, gayundin, malawak ang napinsala nito na may sukat na 1.25 miles sa diameter. Ito ang kinumpirma ng National Weather Service.
Ikatlong beses ang EF4 tornado na may 13-mile radius na tumama sa mga kabahayan sa Mississippi sa loob lamang ng isang linggo, at nagwasak sa buong lugar dahil sa sunud-sunod na delubyong dala ng buhawi.
Gayunman, hindi tulad ng dalawang naunang buhawi na puminsala at pumatay ng marami, ang EF4 tornado ay dumating ng gabi at may kasamang ulan, kung saan bumalot ng matinding kadiliman sa lugar at nilamon ang malaking parte ng gubat doon. Isa ang namatay matapos na tangayin ng buhawi ang kanyang bahay.
Samantala, ang mga iniwang debris ng tornado ay nakita sa taas na 20,000 feet, patunay ng intensity ito ng buhawi. Isang tahanan ng foundation sa lugar, ang matinding nawasak na halos naging alikabok at tanging linya ng kuryerte ang natira.
Gayundin, dahil sa sunud-sunod na matitinding weather outbreaks, ang National Weather Service sa Jackson, Miss., ay nagsagawa ng walang tigil na survey at inspeksyon sa mga napinsalang lugar sa nakalipas na siyam na araw para mapag-aralan pa ang lakas ng hanging dala ng naturang buhawi sakaling magkaroon man ng katulad na tornado.





Comments