top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di natin kailangang pumunta sa Simbahan... Mga paraan para patuloy na magpasalamat sa Diyos

  • Lolet Abania
  • Apr 22, 2020
  • 2 min read

Sa kasalukuyang kondisyon ng bansa, ang pananalig sa Diyos ang tanging paraan upang patuloy tayong mamuhay nang malusog, tahimik at payapa. Subalit kung minsan, naaalala lamang natin na tumawag sa Kanya kapag nasa bingit na ng kamatayan ang ating buhay.

Gayunman, narito ang ilang paraan upang matuto tayong sumamba at magpasalamat sa Diyos:

1. Manood ng telebisyon. Tuwing Linggo, may mga Misa na napapanood sa TV at napakikinggan sa mga istasyon ng radyo. May mga Homily at Gospel truth tayong matututunan sa magiging laban natin sa buong isang linggo. Gawin natin ito para mapuno ang ating isipan ng mabubuting bagay dahil palagi nating maaalala na may Diyos na gumagabay at nagmamahal sa atin.

2. Maghanap ng online Mass. Anumang araw, mayroong mga online Mass na makikita sa internet. Kahit sa mga cellphone lang makakapanood tayo ng mensahe ng Panginoon na ibinibigay ng lahat ng lingkod ng Diyos tulad ng mga pari, pastor o imam. Mabuting gawin natin ito para mabigyan ang ating mga puso ng magagandang bagay at kasiyahan dahil kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi tayo iiwanan o pababayaan ng Diyos.

3. Magbasa ng Bibliya at magdasal. Kapag nagbabasa tayo ng Bibliya, napapakain natin nang maayos ang ating espiritu at kaluluwa, tinatawag itong ‘food for the soul’. Madalas nating dapat gawin ito dahil mahalagang mas malusog ang ating kaluluwa at espiritu na siyang magpapalusog naman sa ating katawan, gayundin, kinakailangan natin itong sabayan ng pagdarasal o pananalangin. Nalalaman ng Diyos ang puso ng bawat isa sa tuwing gagawin natin ito at dahil dito mas makikilala natin Siya nang lubos.

Masarap sa puso at isipan ang pagkakaroon ng bawat isa ng kapayapaan. Tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay nito sa atin. Ang kailangan lamang ay matuto tayong magpasalamat sa Kanya anumang sitwasyon natin sa buhay dahil palagi Siyang may pangako na hindi ka pababayaan o iiwanan kahit kailan. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page