P1.49 trilyon pondo para sa epekto ng COVID-19
- V. Reyes
- Apr 21, 2020
- 1 min read

Aabot sa P1.49 trillion ang inihahanda ng economic team ng gobyerno para pondohan ang mga programang pantugon sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.
Sa virtual meeting ng House Defeat COVID-19 Committee, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang nasabing economic stimulus package ay ibubuhos sa emergency subsidy ng matatawag na vulnerable sectors na P590 billion; pagpapalawig ng medical resources na P58.5 billion; at para sa fiscal monetary actions na nasa P843 billion.
Gayunman, hindi pa kumpletong nailatag ang detalye ng pagkukunan ng pondo ngunit posibleng manggaling ito sa loans, bonds repurchase at iba pa.
Tiniyak naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na makikipagtulungan ang Kongreso sa economic cluster para makalikom ng sapat na pondong ipantutugon sa COVID-19 crisis.
Nais din ni Cayetano na magsagawa ng survey sa mga micro at small business, lalo na ang mga hindi nakarehistro para sa distribusyon ng subsidiya.
Sa ngayon ay may binalangkas nang economic stimulus package o PH Recovery Act ang mga ekonomistang kongresista na layong matulungan ang lahat ng sektor sa bansa na apektado ng krisis at upang muling mapasigla ang ekonomiya sa gitna ng national emergency.





Comments