top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bagsak-presyong langis sa World Market, senyales ng tumitinding krisis sa ekonomiya

  • Lolet Abania​
  • Apr 21, 2020
  • 1 min read

TEXAS, U.S. – Sa kauna-unahang pagkakataon bumasak ang presyo ng langis ng mas mababa pa sa $0 o nagnegatibo dahil sa paghina ng demand nito at sa pagtamlay ng ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo.

Ito ang nagtulak sa kumpanya ng krudo na West Texas Intermediate na ang presyo ng inaangkat sa kanilang langis nitong Mayo ay magnegatibo.

Sa sunud-sunod na senaryong ito, nahihirapan na silang magdagdag ng kada-barrel sa ibinibentang krudo dahil wala nang nagnanais na bumili nito. Gayundin, ang mga oil producers ay nagbabayad pa sa mga umaangkat para tanggapin ang dagdag na barilyo ng langis, mabawasan lamang ang sobrang krudo na hawak nila.

Gayunman, ang pagbagsak ng presyo ng isang barrel ng langis ay dahil sa nagaganap na krisis sa world market na nagresulta sa pagpapahinto ng rasyon nito sa darating na Mayo.

Walang pang nangyaring ganito na nagnegatibo, gaya noong panahon ng Depression o kahit na mga taon ng Civil War, kung saan ang dalawang nagdaang sitwasyon ay kinakitaan ng ‘low points’ pagdating sa petrolyo, ayon kay Bob McNally, head ng Rapidan Energy Group.

Samantala, kahit na bumagsak ang presyo ng langis sa negatibo at bumaba ang demand, kinakailangan pa rin ng mga bansa na umangkat nito upang patuloy na makaahon ang ekonomiya ng mga nasyon sa buong mundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page