62 empleyado at 13 pasyente sa National Center for Mental Health, positive sa COVID-19
- Madel Moratillo
- Apr 21, 2020
- 1 min read

Mayroon ng 75 kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa National Center for Mental Health.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ang 62 sa mga ito ay empleyado habang 13 naman ang psychiatric patient.
Sa nasabing bilang, may 5 na aniya ang gumaling.
Kabilang sa mga gumaling na ito ay 4 na empleyado at ang isa naman ay pasyente.
Ang mga healthcare worker na nagpositibo sa virus na walang sintomas ay kasalukuyan umanong naka-home quarantine.
Habang ang mga healthcare worker naman na may sintomas ay nasa iba't ibang ospital.
Ang mga psychiatric patient naman na positibo sa virus ay nasa pangangalaga ng National Center
for Mental Health.





Comments