top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

21-anyos na todo-sisi sa hitsura kaya ‘di magka-BF, dapat lang maghintay kay Mr. Right sa 2022

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 21, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Twenty-one years old na ako at wala pa ring boyfriend dahil marami akong pimples sa mukha kaya siguro walang nagkaka-gusto sa akin. Pinatingnan ko na ito sa mga doktor at niresetahan ako ng kung anu-anong pamahid, pero hindi naman gumaling, sa halip ay dumami pa lalo. Paano kaya mawawala ang mga pimples ko para magka-boyfriend na ako at sa edad kong ito, magkaka-dyowa pa kaya ako? Sinu-sino ang mga ka-compatible ko, gayundin, kung makapag-aasawa ako, kailan ito? September 27, 1998 ang birthday ko.

Umaasa,

Lovely ng Karuhatan, Valenzuela City

Dear Lovely,

Sa totoo lang, walang kaugnayan ang pimples sa pagkakaroon ng boyfriend at pag-aasawa, dahil ‘yung iba r’yan, hindi lang pimples ang problema kundi pangit talaga pero nakapag-aasawa at in fairness, guwapo o may hitshura ang kanilang nakatuluyan.

Ganu’n lang naman minsan ang kapalaran, patsamba-tsamna lalo na sa pakikipag-relasyon at sa pag-aasawa. Basta ang mahalaga, kapag may nakatakda na tao para sa iyo, sa ayaw at sa gusto mo, siya ay siguradong darating sa buhay mo sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

Sa kaso mo Lovely, ayon sa birth date mong 27 o 9 (2+7=9) kung saan nagkataong nine (9) rin ang destiny number mo (9+27+1998=2034/ 20+34=54/ 5+4=9), sa zodiac sign na Libra, ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Aquarius, Gemini, Virgo at kapwa mo Libra, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa 2022 sa edad mong 24 pataas, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius na mahilig magbiro at may kayumangging kulay ng balat kung saan ang nasabing pag-aasawa ay hahantong sa maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page