top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

13th month pay ng mga titser, ibibigay na sa Mayo 15

  • Madel Moratillo
  • Apr 21, 2020
  • 1 min read

Tatanggapin na ng mga guro sa bansa ang kanilang 13th month pay nang mas maaga.

Ayon kay Education Usec. Annalyn Sevilla, sa ngayon ay ipinoproseso na nila ang maagang paglalabas ng 13th month pay ng mga guro.

Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Sevilla na sa Mayo 15 ay handa na at maire-release na ang 13th month pay.

Sinabi pa ni Sevilla na maging ang suweldo ng mga guro para sa buwan ng Marso at Abril ay advance na ring ibinigay.

Ito ay bilang tulong sa mga guro kasunod na rin ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Maging ang suweldo ng mga guro para sa buwan ng Mayo ay ipinoproseso na rin aniya.

Kabilang din sa nauna nang ibinigay ay ang P6,000 clothing allowance para sa mga guro.

Maliban sa 13th month pay, ipinoproseso na rin umano ng DepEd ang performance-based bonus para sa mga guro.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang DepEd sa iba't ibang sektor para sa pagpapatupad ng moratorium para sa loan ng mga guro na naka-salary deduction.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page