top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagtapos ng COVID-19... Mga Pinoy, magpapa-bonggahan ng lababo

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Apr 20, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang mahahalagang kaalaman na may kaugnayan sa panganib na dala ng COVID-19.

Umiiral pa rin ang enhanced community quarantine at ayon sa mga balita, ikinukonsidera na patagalin o i-extend pa ito, gayundin, pinag-iisipan ang todong paghihigpit o total lockdown.

May katagalan na rin ang pananatili ng mga tao sa bahay at inaakala ng mga awtoridad na matatakot ang mga tao sa total lockdown, pero ang hindi nila alam ay isa sa batas na pangsikilohiyal na ang mga tao ay nasasanay sa mahirap na sitwasyon kung saan sa huli ay masasabi nilang sanay na sila sa ganu’ng sitwasyon kaya dedma lang sila sa banta ng total lockdown.

Gayunman, marami sa mga tao ng nagsasabuhay ng mga bagay na natutunan nila sa mahabang panahon ng pananatili sa bahay at umaasa lang sa ipinamimigay na relief goods ng pamahalaan. Ang totoo nga, hindi inirerekomendang kainin nang madalas ang mga ipinamimigay nilang pagkain tulad ng instant noodles at canned goods dahil hindi masustansiya ang mga ito.

Dahil dito, may COVID-19 man o bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao, makikita natin ang mga pagbabago.

  1. Magiging bahagi na ng buhay nating mga Pinoy ang paggamit ng facemask kaya pati ang mga maliliit na tindahan ay magkakaroon na ng panindang facemask.

  2. Noong wala pang COVID-19, hirap na hirap ang mga tao na maghanap ng pagkakakitaan, pero ngayon at pagkatapos ng krisis, makikitang ang negosyong paggawa ng facemask ay magiging bahagi na ng kumikitang negosyo ng mga Pinoy at posible pa na dahil sa ganda ng mga gawang Pinoy na facemask, hindi malayong mapabilang ito sa mga produktong pang-world class.

  3. Hindi na mawawala sa sistema ng mga Pinoy ang madalas na paghuhugas ng mga kamay. Kaya may COVID-19 man o wala na, ang gawaing ito ay magandang makasanayan. Nakatatawa pero magkakatotoo na maraming mamamayan ang magpapatupad ng utos na kailangan munang maghugas ng mga kamay ng mga bisita o mismong nakatira bago pumasok ng bahay.

  4. Gayundin, kahit hirap o hindi gaanong malikhain ang ilan sa mga Pinoy, magpapagandahan pa sila ng area o lugar kung saan puwedeng maghugas ng mga kamay. Tiyak na mauuso ang mga banyo o lababo na may disenyo.

  5. Sa mga relihiyoso, makikita na tutularan nila ang mga estatwa ng dalawang anghel sa simbahan na may hawak ng malaking lagayan ng Holy Water, pero this time, ang ilalagay ng mga Pinoy ay tubig na may disinfentants.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page