Horoscope | Abril 20, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Apr 20, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Abril 20, 2020 (Lunes): Paglilingkod sa kapwa ang isa sa mahalagang misyon mo sa lupa, kaya kahit may panganib, ikaw ay makikitang nagmamalasakit sa mga tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang maaawa ngayon, pero kailangan mong mag-ingat kaya panatiliin mo ang pagkakaroon ng distansiya sa iyong mga kaaawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang ligaya at saya kapag kasama ang pamilya. Ito ang isa sa nakita mong maganda sa pananatili sa bahay. Isabuhay mo ang pagtutulungan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na lungkot ang naririnig mong balita na sobrang tatagal pa ang utos na huwag lumabas ng bahay. Mahirap man ito, isipin mo na lang na ito ay para sa kabutihan ng lahat. Masuwerteng kulay-yellow.
CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong matangay ka ng iyong damdamin kung saan makalilimutan mo na dapat ay may distansya dapat ang bawat isa. Ingatan mo rin na madikit ka sa iresponsableng mamamayan. Masuwerteng kulay-purple.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka, pero hindi dahil malakas ang tao ay hindi na siya magkakasakit. Isabuhay mo pa rin ang kakaunti o limitado ang nakakausap kaya maliit ang tsansa na mahawa. Masuwerteng kulay-pink.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniwala sa mga balitang nananakot lang naman. Mas magandang paniwalaan mo ay ang mga tunay na tagapagbalita at hindi ang mga kapitbahay na walang magawa. Masuwerteng kulay-beige.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aatake na naman ang mga inggit na inggit sa iyo. Huwag mo silang pansinin dahil tulad ng dati, wala silang magagawa laban sa iyo dahil ang kanilang mga kuwento ay imbento lang. Masuwerteng kulay-blue.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag napansin mong nagsisinungaling isang tao, agad mo siyang layuan. Maaaring ikaw ay kanyang mabiktima kung saan sa huli ay sobrang magsisisi ka dahil sa laki ng nadaya sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka dahil sa panahon ngayon, ang lahat ay dapat na tumulong sa kapwa. Nakamasid ang mga mata ng langit at pagpapalain ang mga matulungin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo ang mga ayaw sumunod sa mga awtoridad. Ang mga pasaway ay mapaparusahan kaya hindi ka dapat madamay sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Unahin mo ang sarili mo kapakanan at kapag nasa ayos ka na, saka mo gawin ang pagtulong. Ang kawalan ng pag-iingat at sugod nang sugod ay mas malaki ang tansa na magkasakit. Masuwerteng kulay-red.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanong ka dahil hindi masama ang nagtatanong. Sa totoo lang, ang masama ay ang ayaw magtanong na nagkukunwaring marunong. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown.
![endif]--![endif]--




Comments