4 huli sa aktong nagma-mahjong, kulong
- BULGAR

- Apr 20, 2020
- 1 min read

Apat na residente sa isang barangay sa Upi, Maguindanao ang inaresto nang maaktuhang naglalaro ng mahjong habang pinaiiral din sa kanilang lugar ang community quarantine kontra sa COVID-19.
Huli ang apat katao na pawang mga residente ng Bgy. Nuro Poblacion.
Nakuha sa kanila ang mahjong set at perang P700.
Kaugnay nito, mahaharap ang apat sa reklamong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Act at Bayanihan to Heal as One Act.





Comments