top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Orangutan, sumali rin sa pagsusuot ng face mask

  • Lolet Abania​
  • Apr 19, 2020
  • 1 min read

Photo: Michal Cichon / Dansk Zoo

POLAND - Isang orangutan mula sa Polish zoo, ang nagnais ipakita sa buong mundo ng tamang pagsusuot ng face mask.

Ang staff ng Gdansk Zoo na nakasuot ng face mask, habang nagtatrabaho sa naturang zoo, para maproteksiyunan ang sarili laban sa coronavirus, ang nagbigay sa 46-taon-gulang na si Raja ng mask upang paglaruan ito.

Subalit sa halip na sa mukha isinuot, pinili na lang ng orangutan na ilagay ang mask sa kanyang balikat at isuot sa kanyang torso.

Isinilang si Raja sa isang zoo sa Rostock, Germany at pagkatapos ay dinala na siya sa Gdansk, kung saan kasama niya doon ang lalaking orangutan na si Albert.

Masaya ang dalawang orangutan na ginagaya ang mga ginagawa ng zoo staff, laluna si Raja na palaging naglilinis ng kanyang cage gamit ang walis. (Lolet Abania

Inirerekomenda ng CDC ang paggamit ng face masks dahil ayon dito, “wearing cloth face coverings in public settings where other social distancing measures are difficult to maintain (e.g., grocery stores and pharmacies), especially in areas of significant community-based transmission.” Ang

simpleng pantakip sa mukha na ito ay maaring, “slow the spread of the virus and help people who may have the virus and do not know it from transmitting it to others,” dagdag pa ng ahensiyang CDC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page