Bukod sa pansahog sa ulam... Repolyo, punumpuno ng nutrients, epektib pang pampabyuti!
- Govinda Jeremaya
- Apr 19, 2020
- 2 min read
Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“True or False: Kumain ka ng repolyo dahil panlaban ito sa cancer.”
Nakatutuwa ang balita na ang mga takot sa cancer, may cancer at mga nasa pamilya na may history ng cancer ay palagi nang kumakain ng repolyo.
Ito ay nag-ugat sa katotohanang kapag nagtanong sa doktor ang pasyenteng may cancer kung ano ang dapat kainin ng mga tulad nila, ang sagot ay repolyo. Kaya isang lantad na katotohanan na ang repolyo ay kinagigiliwang kainin ng may cancer at takot sa cancer.
May isa pang nakatutuwang katotohanan tungkol sa cabbage at OFWs. Ito ay dahil ang pangkaraniwang pagkain sa mga oriental countries tulad ng Taiwan, Singapore, South Korea, Hong Kong at iba pa ay mga gulay kaya nakasanayan ng mga OFWs na kumain ng repolyo.
Tulad ng nabanggit, ito ang pangkaraniwang kinakain sa mga nasabing bansa, lalo na ng kanilang mga employers kaya ito na rin ang kanilang madalas na kainin kaysa sa rice o kanin na nakasanayan na natin.
Pero ang isang tunay na dahilan ay natuklasan ng mga OFWs na kaya sila nananatiling sexy at with flawless beauty ay dahil sa kanilang regular na pagkain ng cabbage kaya kahit nandito na sila sa Pilipinas ay hinahanap at kinakain pa rin nila nang regular ang repolyo.
Ano nga ba ang tunay na sikreto kung bakit ang mga takot sa cancer ay cabbage ang paborito at bakit ganu’n na lang ang bilib ng mga OFWs sa repolyo para mapanatili ang kanilang youthful and healty looks?
Ito ay dahil sa mga antioxidants, vitamins at minerals na taglay ng repolyo. Anu-ano ang mga ito?
Calories: 22
Protein: 1g
Fiber: 2g
Vitamin K: 85% of the RDI (recommended daily intake)
Vitamin C: 54% of the RDI
Folate: 10% of the RDI
Manganese: 7% of the RDI
Vitamin B6: 6% of the RDI
Calcium: 4% of the RDI
Potassium: 4% of the RDI
Magnesium: 3% of the RDI
Gayundin, ang repolyo ay may iba pang micronutrients tulad ng Vitamin A, iron and riboflavin.
Kaya magandang tularan natin ang mga takot sa Cancer sa kanilang paggiliw sa repolyo. Totoo man ito o hindi, wala namang masama kung ikaw ay mahihilig sa pagkain ng repolyo. Ang maganda sa pagkain nito, ikaw mismo ang magsasabing hindi mo na kailangan ang mamahaling beauty clinic para magkaroon ng flawless and youthful beauty.
Good luck!





Comments