Senyales na malapit ng mag-menopause ang babae, alamin!
- Shane Ludovice
- Apr 18, 2020
- 1 min read

Dear Doc. Shane,
Ako ay 46 years old at may limang anak. Nakapagtataka dahil sa edad kong ito, kapag dinaratnan ako ay ang lakas ng aking regla at minsan ay dalawang beses sa isang buwan. Normal lang ba ‘yun kapag malapit na mag-menopause ang babae? – Gloria
Sagot
Habang papalapit na ang pag-menopause ng babae, “humihina at kumokonti” na ang pagkakaroon nito ng regla at hindi papalakas o dumadalas tulad ng iyong nararanasan.
Ang madalas na pagkakaroon ng regla habang nagkakaedad ay maaaring sintomas ng abnormal uterine bleeding o pagdurugo ng matris.
Maituturing lamang na menopause na ang babae kapag lumipas ang isang taon na hindi siya nagkakaroon ng regla.
Karaniwan na sa kababaihan na makaranas ng menopause ay nasa edad na 50 at 51.
At sa edad 45 naman d nag-uumpisa ang perimenopause o panahon ng pagbabagong-kalagayan bago mag-menopause.
At ilan sa mga sintomas ng perimenopause ang tinatawag na hot flushes o biglang pag-init ng katawan at pagpapawis o pagkaramdam ng ginaw habang natutulog sa gabi.
Mainam na magpakonsulta agad sa doktor ang babae kapag ito ay dinugo kahit nag-menopause na ito o lumipas na ang isang taong hindi nagkakaroon ng regla.
Comments