Liquor ban, pinababawi ng mga manufacturer
- V. Reyes
- Apr 18, 2020
- 1 min read

Umaaray na ang mga gumagawa ng inuming nakalalasing at inihihirit na mabawi ang ipinatutupad na total liquor ban sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.
Sa liham kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, iginiit ng Center for Alcohol Research and Development (CARD) na ang total ban ay magtataboy lang sa industriya at ikalulugi ng kanilang ipinuhunan sa mga produkto.
"If this ban continues, the industry can no longer survive, a situation that can affect a large sector of the community," ayon sa CARD.
Kabilang sa mga miyembro ng CARD ay ang Absolut Distillers, Emperador Distillers, Ginebra San Miguel, Far East Alcohol at Asian Alcohol.
Ayon sa CARD, bagamat nauunawaan nila na layon ng pamahalaan na maiwasang malasing ang mga tao sa panahon ng pandemic, pupuwede naman umanong kontrolin ang pag-inom.
"The state of intoxication is caused only when alcohol consumption is considered abusive, that is, consumption of higher amount of alcohol than the normal. Alcohol consumption can be taken in moderation by responsible individuals of the society who are accustomed to drinking alcohol," dagdag pa ng grupo.
Katwiran pa ng CARD, hindi na kailangang higpitan ang daloy ng negosyo ng alcoholic beverages dahil nalilimitan na rin naman ang pagbili ng publiko dahil sa quarantine.





Comments