Dahil sanay mag-isa... Isinilang sa Year of the Rabbit, super-hirap mag-adjust ‘pag may love life na
- Maestro Honorio Ong
- Apr 18, 2020
- 2 min read

Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong Year of the Metal Rat.
Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin natin ay ang ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Kung ikaw ay isinilang noong 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023, ikaw ay may Rabbit Personality.
Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, bagama’t likas na mapagmahal, pihikan at hindi agad-agad nakikipag-relasyon ang Rabbit o Kuneho, kumbaga, matagal siyang magtiwala sa isang nilalang at bago niya ibigin ito at mahalin, sinisigurado muna niyang mabuti ang kanyang damdamin. Dahil dito, madalas matagpuan ang Rabbit na late na makipag-relasyon at makapag-asawa.
Sa panahon namang siya ay nakapag-asawa na, matagal siyang nag-a-adjust sa tunay na relasyon dahil hindi niya agad-agad natatanggap ang pagkakataong may kasama na siya sa buhay. Kumbaga, dahil nakasanayan na ng Rabbit ang dati niyang ugaling mapag-isa, medyo nahihirapan siyang makisama sa kanyang napangasawa.
Dahil matagal magtiwala, kapag may asawa na, hindi pa rin siya mapakali sa kanyang karelasyon dahil iniisip niyang baka hindi totoo o hindi tapat sa kanya ang kanyang napangasawa.
Dahil mapaghinala ang Rabbit, madalang siyang nakararamdam ng ligaya at tunay na saya sa panahong siya ay may karelasyon o asawa.
Ang ikinaganda naman sa Rabbit, kapag naging stable na ang kanyang relasyon o nakapag-adjust na siya nang tuluyan sa buhay-pagpapamilya, sobrang napapamahal naman siya sa kanyang pamilya kaya naman lahat ng kaya niyang gawin ay gagawin niya, mapaligaya lamang ang minamahal at iniingatan niyang pamilya.
Sa panahon ngang stable na ang pamilya ng Rabbit, sa panahong ‘yun, lalong lulumutang ang kanyang dedikasyon sa pamilya, kaya siya ay nagiging ulirang ina o ama.
Sa pangkalahatan, sa pag-ibig, tunay ngang ang Rabbit ay may pagka-elegante, romantiko at marahan kung maglambing at magmahal sa kanyang kasuyo.
Sinasabing ang Sheep o Tupa ang isa sa pinakatugmang makakasama ng Rabbit upang madama niya ang maligaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon. Katugma at okey din sa Rabbit ang tapat at mapagmahal na Aso, gayundin, ang Baboy ay eksakto at magiging panghabambuhay na kasama ng Rabbit.
Bukod sa Tupa, Aso at Baboy, tugma at okey ding mapangasawa ng Rabbit ang matalino at mahusay magdesisyon na Ahas. Dagdag pa rito, katugma rin niya ang Daga, Dragon at Baka.
Itutuloy




Comments