top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pasaway ang mga taga-QC kaya nangunguna ang lungsod sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 17, 2020
  • 1 min read

MAS KAILANGAN ANG PPE KESA SA TIKTOK—Nabatikos ng netizens si Inter-Agency Task Force (IATF) spokesman, Cabinet Sec. Karlo Nograles dahil nagawa pa raw nitong mag-TikTok sa panahong nakararanas ng krisis ang bansa dulot ng coronavirus.

Palusot nito, ang pagti-TikTok niya ay pagpapakita lamang ng suporta sa mga health workers.

Ganu’n naman pala, pero kung gusto nitong suportahan ang mga frontliners, sana ay nagpamigay na lang siya ng mga PPE (personal protective equipments) sapagkat ito ang mas kailangan nila, boom!

◘◘◘

HARRY ROQUE, DAPAT IWASAN NA PAGTI-TIKTOK AT TUMUTOK SA PAGKA-SPOKESMAN—Ang isa pang mahilig mag-TikTok ay si Harry Roque, sa katunayan, madalas mag-viral sa social media ang TikTok videos niya.

Ngayong balik na si Roque sa pagiging Presidential spokesman, dapat iwasan na niya ito at ang tutukan niya ay ang kanyang trabaho bilang tagapagsalita ng pangulo, period!

◘◘◘

MARAMING PASAWAY NA TAGA-QC KAYA NO. 1 ANG KANILANG LUNGSOD SA PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19—Sa buong bansa, sa Quezon City ang may pinakamaraming nadale ng coronavirus. Sa latest data ay umabot na sa halos 1,000 katao ang nagka-virus sa QC.

‘Yan ang nangyayari dahil napakaraming pasaway sa lungsod. Labas nang labas ng bahay kahit may panawagang “stay at home” ang gobyerno kaya hindi nakapagtatakang mag-number 1 ito sa may pinakamaraming nadale ng virus sa bansa, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page