top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paglalamay at pagbubuhat ng ataul na parusa sa mga lumalabag sa quarantine rules ipinatutupad sa Par

  • Ryan B. Sison
  • Apr 17, 2020
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Halos dalawang linggo bago matapos ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, kani-kanyang diskarte ang mga barangay para mapantili ang kaayusan at pagsunod ng mamamayan sa mga panuntunan.

May mahigpit na nagpapatupad ng curfew, nagtakda ng oras ng pamimili kada lugar at may mga nagpapataw ng parusa sa mga nahuhuling lumalabag sa mga panuntunan, partikular sa curfew.

Noong mga unang linggo ng community quarantine, madalas na napapabalita na hinuhuli ang mga pasaway na residente kung saan mayroong magdamag na pinatambay sa basketball court, pinag-exercise at ibinilad sa araw.

Gayuman, pinaglalamay at pinagbubuhat ng ataul ang mga nahuhuling pagala-gala pa rin sa Bgy. San Isidro, Parañaque.

Ito umano ang paraan ng kanilang barangay para madisiplina ang mga lumalabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine kung saan 24 oras na ang ginagawang pag-iikot ng mga awtoridad sa para sawayin ang mga lumalabas pa rin kahit walang importanteng gagawin.

Bukod sa mga gumagala, bistado rin ang ginagawang pagbibingo, pagsasabong at pag-iinuman ng ilan. Bilang parusa sa mga nahuhuli, pinaglalamay at pinauupo nang hanggang anim na oras sa harap ng ataul ang mga ito para maisip nila na hindi biro ang banta ng COVID-19.

Para sa mga first at second offender, paglalamay ang kanilang gagawin habang pagbubuhat ng ataul habang umiikot sa mga main road ang parusa sa third offender.

Kamakailan, nasampolan ang ilang kalalakihan at pinag-ikot sa barangay habang buhat ang ataul. Ayon sa barangay chairman, nabawasan naman ang mga lumalabag dahil nahihiya ang mga ito kapag pinarurusahan.

Magsilbi sana itong aral at babala na kailangan nating seryosohin ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan para sa atin.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit at namamatay araw-araw, sapat na itong dahilan para manatili sa ating mga tahanan at iwasan ang mga bagay na hindi importante tulad ng paglalakwatsa, pagsusugal at pag-istambay.

Kung magtitiis at susunod tayo sa mga natitirang araw ng community quarantine, mas malaki ang tsansa na matapos na ang problema natin.

Tutal, iisa lang ang gusto nating lahat, magtulungan tayo at ‘wag magpasaway upang malampasan ang hamon na ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page