top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagsusugal, tumotoma, walang tulong! — P-Duterte

  • Mylene Alfonso
  • Apr 17, 2020
  • 2 min read

Walang aasahang tulong mula sa gobyerno ang mga nagsusugal at naglalasing na mahuhuli kasabay ng umiiral na Luzon enhanced community quarantine.

"'Yung kayo nagsasabong at nag-iinuman, ibig sabihin may pera kayo. Do not expect any help from me. Sabihin ko talaga, sorry na lang," ani Pangulong Duterte sa kanyang public address.

"May pera pala kayong pangsabong, may pera pala kayong pang-inom, di ibigay ko na lang [sa iba]," sabi ni Pangulong Duterte.

Dahil dito, inatasan ng Chief Executive ang Department of Interior and Local Government na imbestigahan kung sinu-sino ang nasa likod ng painuman, pasabong at iba pang uri ng pasugalan sa Maynila kamakailan.

Matatandaang nagpatupad si Manila Mayor Isko Moreno ng total shutdown sa Barangay 20 sa Parola Tondo mula 8:00 ng gabi ng April 14 hanggang 8:00 ng gabi ng April 15 matapos mag-viral sa social media ang paboksing, sabong, bingo at inuman sa naturang lugar.

"Iyong counting natin na pamilya, in a family, magtanong tayo ilan sila. Kaya ‘yung assistance ibinibigay ng gobyerno eh dapat talaga gamitin ninyo sa wastong paraan,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Aminado ang Pangulo na bumaba na ang suplay ng pagkain dahil ilang araw nang ipinatutupad ang ECQ.

“There’s not enough to go around. Hindi talaga magkasya. We are getting low sa supply ng pagkain na. Ilang araw na ‘yan buong Pilipinas pinapakain mo, 18 million families. Sa isang pamilya ilagay mo na lang apat, lima. Eh ilang bunganga ‘yan,” wika ng Pangulo.

“Now for those people who are identified by the barangay captains and the mayors who are violating the quarantine, pasensiya ho kayo. Help would not… Eh kung ganu'n may pera pala eh. So kulang na kulang nga, ibigay ko na lang talaga sa ‘yung nangangailangan at wala nang mapuntahan. The thing is you must not reduce the population into something like they are hopeless,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page