top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bagong mukha at walang bahid ng pulitika ang dapat ipalit kay Duque, period!

  • Ka Ambo
  • Apr 17, 2020
  • 3 min read

Pinagre-resign si Sec. Francisco Duque.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

KAILANGAN ng Pilipinas ang isang lider ng higit na nakasasabay sa henerasyon.

Dapat may inobasyon, agresibo at may “x-factor”!

◘◘◘

TAMEME si Duque, naiiwanan siya ng panahon.

Halatang may pinoproteksiyunan at may nagdidikta.

Wala siya sa sariling katinuan!

◘◘◘

MARAMING buhay ang ipapahamak ni Duque kapag nagtagal sa posisyon.

Kawawa ang mga “madadamay” na kaluluwa dahil sa isang “weak leadership”!

◘◘◘

ENERGETIC, bagong mukha at walang pulitika ang dapat maupong health secretary.

Hindi dapat gamitin ang posisyon sa pagnanakaw ng “publisidad”!

◘◘◘

KAHIT ano pa ang sabihin natin, ang COVID-19 ay pisikal.

Hindi ito nakikita ng naked eye, pero nasisilip sa laboratory gamit ang sopistikadong microscope.

Ibig sabihin, aktuwal din itong nakikita.

Dahil d’yan, maaari siyang talunin ng tao.

Hindi “multo” ang COVID-19, pisikal ito at nakukuhan ng litrato!

◘◘◘

KUNG pisikal, madaling matukoy kung saan ito maaaring dumaan o saan papasok sa pisikal na katawan ng tao bago makapaminsala.

Batay sa datos, karaniwang magdaraan ito sa bibig at ilong!

◘◘◘

SA ilang ulat sa China, nakumpirmang nakapapasok ang virus sa mga mata.

Sa ilang lihim na ulat, sinasabing maaari rin itong makapasok sa mga tenga o kahit sa pores ng skin o balat—dahil masyado itong maliliit.

Pero, ang pinakasuspek sa lahat—ay ang mga kamay ng tao—kung saan matapos mahawakan ang virus—ay hindi sinasadyang naipapahid ng sariling kamay ang nadikit na virus—kaya naihahatid ito sa bibig, ilong at mga mata!

◘◘◘

PARA makatiyak tayo, kailangang ingatan ang mga kamay at siyempre, lahatin na natin o “I-blanket na babantayan ang E-E-N-T—eye, ear, nose at teeth, tongue o throat o mouth.

Ibig sabihin, sa ulo o mukha ng tao magdaraan ang virus—bago magpugad na manalasa sa ngala-ngala o throat.

Dahil alam kung saan magdaraan ang “kalaban”—dapat ay may maglagay tayo ng “checkpoint” sa mga naturang lugar—bantayan ang E-E-N-T!

◘◘◘

PAANO babantayan ang EENT?

Sundin ang payo, hugasan nang todo ang mga kamay, gumamit ng face mask at salamin.

Isang malaking kasalanan ni Duque ay ang kawalan ng maayos na paliwanag sa publiko!

◘◘◘

ANG virus ay maaaring kumapit sa buhok, damit at balat—kaya dapat maligo.

Malinaw na hindi sapat na maghugas lamang ng mga kamay—kapos ang payo ni Duque at ng kanyang mga alalay sa gobyerno!

◘◘◘

PAANO babantayan ang EENT?

Lagyan ito ng checkpoint at gumamit ng iskema upang kahit makapasok sa entry point ang virus—at mapanghina natin ang kanyang naturalesang pisikal.

Halimbawa, gumamit ng tradisyonal na salabat, tubig na mainit, maligamgam na tubig na may kaunting asin na pangmugmog sa bibig.

Kapag pumasok sa bibig, ilong, tenga ang virus—bababa ito sa lalamunan—pagsapit sa throat—maaaring mahugasan ito mapanghina ito ng salabat o pinakuluang luya, tubig na may asin o kahit ng simpleng tubig na maligamgam!

◘◘◘

SA mga lalawigan, gamitin ang pagkukulob—paglambong ng kumot at singhutin ang singaw ng kumukulong tubig na may herbal plants o kahit pasingaw lamang.

Kapag nagkukulob, lalabas ang sipon sa ilong kung saan maaaring mahigop nito palabas ang virus.

Makahihinga rin ng maayos ang lungs o baga kung saan luluwag sa paghinga ang pasyente o kahit ang mga asymptomatic o walang sintomas!

◘◘◘

DAPAT ipinapayo ng DOH ang praktikal at tradisyonal na sistema sa pag-iingat at pagpapanatiling malusog—nang hindi gaanong gagastos ang ordinaryong tao.

Kapos din ang DOH sa koordinasyon sa mga general physician sa pribadong klinika!

◘◘◘

ANG mga general physician lamang ay may sapat na karanasan laban sa mga sintomas ng alinmang sakit.

Ang GP ang tunay na eksperto laban sa trangkaso—may sapat silang karanasan kumpara sa mga espesyalista na nakakulong sa air conditioned room sa malalaking ospital.

Napapahamak ang mga espesyalista, dahil kapos ang karanasan nila sa praktikal na pagtanggap ng mga pasyente, taliwas sa GP na bihasa sa aspektong ito!

◘◘◘

WALANG iniwan ito sa isang bar top notcher na hindi nauunawaan ang protocol kumpara sa ordinaryong abogado na may sentido-kumon.

Maraming higit na mabibigat na problema ang nareresolba gamit ang ordinaryong ideya mula sa ordinaryong nilalang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page