Angelica, namigay ng 450 meals sa mga frontliners
- Ronalyn Seminiano Reonico
- Apr 17, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Patuloy sa pagtulong si Angelica Panganiban at sunud-sunod din ang Instagram posts niya ng isinasagawa niyang relief operation.
Sey ni Angge, “450 meals for today. Lahat po para sa mga frontliners natin.
Naipadala po namin sa Medical City and Cardinal ang lahat, sa tulong ulit ng AFP.
“Nakagawa kami ng sarsiadong pompano at blue marlin, adobong pusit, baked salmon w/ salmon fritters, chicken bbq, boneless ribs, giniling w/ eggs, chopsuey, salted egg shrimp, roast beef, longganisa hubad w/ eggs, crablets, adobo w/ pork cracklings.”
Aniya pa, “Sa next wave po namin, nais po naming magbigay ng tulong sa mga barangays na nahihirapan makakuha ng mga supplies. Bukas po ang comments para makapagbigay kayo ng suggestions at gagawin po ng grupo ang lahat ng makakaya.”
May netizen na nag-suggest na puntahan nina Angelica ang ilang barangay sa Makati City at may nagsabi pang “Para ngang walang mayor ang Makati ngayon.”
Wala raw kasi silang natatanggap na relief goods at puro lang daw salita ang mga namumuno sa Makati City.
Hmmm, true ba ito? Sana naman ay gumawa ng aksiyon ang mga namumuno at maawa naman sa taumbayan na nagluklok sa kanila sa posisyong tinatamasa nila ngayon.
***
VICE, PINADALHAN NG GROCERIES ANG NANG-BASH KAY ION

NAKAKATUWA ang latest Instagram Story at Twitter post ni Vice Ganda. Screenshot ‘yun ng post ng isang netizen kung saan makikita ang ilang plastic bags na puno ng grocery items at may caption na: “Nakonsensiya ako… tao lang, sorry po ‘yung bina-bash ko na ION. Vice, nagpadala ng ayuda here sa bahay.”
We all know naman na si Ion Perez ay boyfriend ni Vice.
Simpleng “Love not hate” lang ang caption dito ni Vice.
Komento ng mga netizens… “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng groceries. Ganu’n, haha!”
“When a good heart hits you. Just love.”
“I-bash ko rin kaya? Hahaha, charot! God bless you po, Ate Vice and Ion. Stay safe!”
In fairness, walang nang-bash kay Vice sa post niya, huh! Tama naman kasi talaga at nakakataba ng puso.
***
BF ni Angel, nag-donate ng dugo kahit super-daming tattoo

Lahat na yata ng puwedeng i-donate ay handang ibigay ni Angel Locsin. From tents to medical supplies, etc., ngayon naman ay dugo ang idinoneyt niya.
Nag-post si Angel ng piktyur nila ng fiancé niyang si Neil Arce sa Instagram kung saan pareho silang may hawak na tig-isang bag ng dugo.
Caption ni Angel, “With COVID-19, many of the donors postponed their scheduled blood donations. But the need for blood never rests and the supply is rapidly dropping. The Philippine Red Cross are in need of more blood donors. You may contact PRC at (+632)8790-2300 or thru hotline 143.
“Donate blood. Save lives.”
Sabi pa ni Angel, first time raw ‘yun ni Neil na mag-donate ng dugo. At since kitang-kita ang malalaking tattoo ni Neil, napakarami tuloy netizens na nagtanong kung puwede bang mag-donate ng dugo ang may tattoo.
Siguro puwede naman dahil hindi sila papayagan ng Red Cross kung hindi puwede, ‘di ba?




Comments