Iranian teener, pinataob si Carlsen sa Online Chess
- Eddie M. Paez, Jr.
- Apr 16, 2020
- 1 min read

Sa gitna ng pananalasa ng COVID-19 ay inanunsiyo ng tinedyer na si Grandmaster Alireza Firouzja ng Iran ang kanyang pagiging future world champion nang talunin niya si Norwegian GM Magnus Carlsen sa finals ng Banter Blitz Cup.
Ang 16-anyos na tubong Babol, Iran ay hindi kumurap kontra sa makinang na rekord ni Carlsen at nakipagsabayan ito hanggang sa huling laro kung saan niya naselyuhan ang korona ng sagupaang ginanap online at nilahukan ng 132 chessers.
Sa Banter Blitz, binigyan lang ng tatlong minuto kada laro ang mga chessers para kumpletuhin ang lahat ng kanilang tira.
Pinuri naman ni Carlsen ang lakas ng binatilyo na dalawang taon pa lang nagiging grandmaster at kasalukuyang pang-21 na sa world ranking.





Comments