Ion, pumalag sa pangmomolestiya sa kanya ni Vice
- Ronalyn Seminiano Reonico
- Apr 16, 2020
- 4 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nauso ang home haircutting dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sanhi ng COVID-19. Since bawal lumabas ng bahay, nagpapagupit ang ilang celebrities sa kanilang asawa o girlfriend.
Sa latest tweet ni Vice Ganda, aniya, “O, pampalipas-oras kung vagot kayo. Watch n’yo ‘yung video namin ni Ion (Perez) sa YouTube channel n’ya. Vlog #2 – My Jowa Cut My Hair!” kalakip ang YT link.
‘Kaloka lang dahil habang ginugupitan ni Vice si Ion, halatang kinakabahan ang tinaguriang Kuya Escort ng It’s Showtime. Panay ang tingin niya sa gunting na hawak ni Vice at sabi pa ng komedyante ay pawis na pawis si Ion kaya hindi na kailangang basain ang buhok nito.
Sey pa ni Vice kay Ion, “Puso mo nga, ipinagkatiwala mo sa akin, buhok mo pa kaya?”
Natatakot si Ion dahil baka raw magupit ni Vice ang tenga niya.
Hirit naman ni Vice, “‘Wag kang mag-alala, Sir. Kapag nagupit ko ‘yung tenga mo, magtitira naman ako nang kaunti para marinig mo na ang tibok ng puso ko’y para sa inyo.”
Pero ‘wa epek pa rin dahil bukod sa tawa nang tawa si Ion, ‘di talaga niya mapigil na tingnan ang gunting.
Sabi tuloy ni Vice, “‘Wag kang masyadong malikot, baka masaksak kita, Sir.”
Hirit naman ni Ion, “Gusto mong mabiyuda agad?”
After ng gupitan portion nila dahil halos magmakaawa na si Ion na tigilan na ni Vice ang buhok niya, nag-request pa siya ng massage sa komedyante.
Ang kuwela pa dahil habang minamasahe siya ni Vice, sabi ni Ion, “Mukhang iba na ‘yan, ah.
Mukhang minomolestiya mo na ako riyan, ah.”
Nang ipatong naman ni Vice ang paa niya sa may inuupuan ni Ion, hinawakan ni Kuya Escort ang binti niya. Binatukan tuloy siya ni Vice.
Anyway, French-inspired quarantine haircut ang tawag ni Vice sa ginawa niya sa buhok ni Ion.
Samantala, ilang minutes pa lang ang nakakalipas nang i-post ni Vice ang YT link sa kanyang Twitter account ay nag-tweet ulit ang komedyante.
Aniya, “Nakakaloka naman ‘yung iba na nagnanakaw nu’ng buong video, tapos ipino-post sa channel nila na parang content nila!!!! Haaaaaay!!!! I’m asking help from my Little Ponies. Please report naman ‘yung mga magnanakaw ng content channel ni Ion.”
Well, siguradong mawawala rin kaagad ang diumano’y “nagnakaw” sa content ni Ion dahil as of this writing ay umabot na sa 257 comments, 615 retweets at 10.8K reacts ang tweet ni Vice.
***
SHARON, NAINSULTO NA WA' SILANG SILBI, PAGTULONG NI KIKO, IKINALAT SA SOCMED
NAPUNO na yata si Sharon Cuneta sa mga bashers nila ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan dahil sa akusasyon ng iba na hindi raw sila tumutulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng COVID-19.
Sunud-sunod ang post ni Sharon sa Twitter ng mga piktyur ng pagtulong ni Kiko at iisa lang ang caption niya na: “Some people say ‘Damned if you do, damned if you don’t.’ So they can damn Kiko all they want – we don’t really care – it’s about time you knew that at least HE DID! Hah! (This is just one of many.)”
May kuha na tumulong si Kiko sa Makati, Cavite, mga ospital tulad ng Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, atbp..
‘Yun nga lang, ibang Kiko ang na-tag ni Sharon at hindi ang kanyang mister. Ang siste tuloy, na-bash ulit si Megastar.
Komento ng isang netizen, “It seems you tagged the wrong Kiko on this tweet.”
May netizen din na nagsabing puro pakitang-tao lang ang ginagawa nilang pagtulong sa mga nangangailangan.
***
HEART, NAMIGAY NG VITAMIN C, NASILIP NG MADLANG PIPOL NA VIP
NAG-POST si Heart Evangelista ng piktyur ng kahun-kahong Poten-Cee Ascorbic Acid vitamins sa Instagram.
Aniya, “We fight as one. Sending some vitamin C to our unsung heroes – Grab drivers, guards, hospital staff, and also some to Sorsogon. Hoping and praying that this will be over soon.
“Ps: A big thank you to my @potencee_ph family for a great partnership.”
Komento naman ni Pia Wurtzbach sa naturang IG post ni Heart, “It’s so nice to see that despite you battling your own anxieties, you still have a big heart to look after others even in small ways. That takes real strength.”
Reply naman ni Heart, “Thanks Pia… I need to rise above it. Stay safe love.”
Samantala, nilinaw agad ni Pia ang nabanggit niyang “small ways” ng pagtulong ni Heart.
Aniya, “Wasn’t implying that the work she is doing is ‘small.’ Of course not! She does so many things to help other people.”
Samantala, pinuna ng maraming netizens ang naturang Vitamin C na ipinost ni Heart.
Anila: “Bakit ang mga taga-advertise nila, maraming ibinibigay na stocks while sa mga drugstores, walang mabili?”
“Sana mag-update rin sila sa mga drugstores. Lagi kasing out of stock.”
Sa panahon kasi ngayon, kailangang palakasin ang resistensiya para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19, pero wala ngang mabiling Vitamin C.
***
GRAB DRIVERS, 'DI MAKAPANIWALA SA GINAWA NI ANGEL

HINDI lang si Heart Evangelista ang nakaalala sa mga magigiting nating Grab drivers dahil maging si Angel Locsin, sa kanyang tahimik na paraan ay nag-abot din ng tulong sa kanila.
Walang anumang posts na makikita sa social media accounts ni Angel ng ginawa niyang pagtulong sa mga Grab drivers. Pero kumalat ang video kung saan makikitang pumila ang mga Grab drivers sa isang kotse.
Maririnig pa ang isang driver na sinabing, “Si Angel nga ‘yan, Pre.”
Halatang nasorpresa sila sa pagpunta ni Angel sa MOA para sa kanila. Ngunit kahit na nakapila sila sa ipinamimigay ni Angel, sinigurado naman nila ang social distancing.
Mag-isa lang si Angel at makikitang personal niyang iniaabot sa mga Grab drivers ang kanyang tulong na nakalagay sa puting bag at panay pa ang kaway at pasasalamat ng butihing aktres sa mga drivers.
Nakakataba talaga ng puso ang kabutihang-loob ni Angel Locsin.





Comments