COVID survivor na tayo — Bongbong
- BBM
- Apr 16, 2020
- 1 min read

Sa kanyang vlog nitong Abril 16, sinabi ni dating Senador Bongbong Marcos na nagsimula na siyang makarekober sa coronavirus.
“Welcome to my first vlog since recovering from this terrible COVID-19 that’s been plaguing the entire world. I’m feeling better. I’m starting to recover,” ani Marcos.
Kuwento ng dating mambabatas, akala niya ay flu lang ang naramdaman niya pero, matapos ang isang linggo ay gumising siyang hindi makahinga.
"Tinakbo na 'ko sa emergency room. Binigyan ako ng oxygen, kung anu-ano ang mga sinaksak sa akin,” aniya.
“Sa dami ng naranasan ko at aamin kong nagdusa [ako], I’m still one of the lucky ones. I really am. Because of the good work 'nung ating mga doctor, ng ating mga nurse, ng ating mga tech med, all of them, nandito pa rin ako. COVID survivor na tayo.”





Comments